ROLBAK SA PRESYO NG LANGIS NAKAAMBA SA SUSUNOD NA LINGGO

LANGIS-2

INAASAHAN ang bahagyang pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa industry source, tinatayang magkakaroon ng P0.30-P0.40/litro

bawas sa presyo ng gasolina, P0.00-P0.15/litro sa diesel at P0.20-P0.30/litro sa kerosene.

Ang rolbak ay napag-alamang bunga ng pagbaba ng presyo ng krudo sa  pandaigdigang merkado dahil sa paglaki ng imbentaryo ng langis ng Amerika at paghina ng overall demand, lalo na sa China.

Noong nakaraang Martes ay nagpatupad ang mga kompanya ng langis ng P0.10 rollback sa kada litro ng diesel at P0.40 kada litro sa kerosene.

Comments are closed.