SUNOD-SUNOD ang tweet ni Ryza Cenon matapos na siya ay paratangan ng fake na fans ni Maine Mendoza.
Naka-attach sa tweet ni Ryza ang isang comment ng nagki-claim na fans ni Maine na nagrereklamo dahil hindi raw binanggit ni Ryza ang pangalan ni Maine sa naging speech nito nang tanggapin ang award ng Jak Em Popoy sa naganap na Gabi ng Parangal ng MMFF 2018 last Thursday.
Hindi pa ‘yun, inakusahan pa si Ryza ng fake na fan na may itinatago raw itong galit kay Maine kaya hindi binanggit ang pangalan ng phenomenal star ng Eat Bulaga.
Nakalagay sa Twitter ni Ryza na walang basehan ang galit sa kanya ng fan dahil hindi siya ang tumanggap ng naturang award para sa kanilang movie na Jak Em Popoy.
@iamryzacenon, “Hi sa lahat ng fans ni Mainedcm na nagagalit sa akin dahil hindi ko raw nabanggit ang pangalan n’ya. Linawin ko lang hindi ako ang tumanggap ng FPJ Memorial Award at pakinggan n’yo rin ang sinabi ni Ms. Camille ang sabi niya, “Sa ngalan ng aming producers.” kaya, huwag manghusga agad.”
Hindi maitatago na nasaktan talaga si Ryza sa parunggit sa kanya ng nagpapanggap na fans ni Maine kaya pinatulan niya ang mga ito.
“I will not ignore that kind of mentality. Unfair sa mga taong nananahimik tapos idadamay pangalan mo sa hindi mo ginawa. No!!! That`s bullying!!”
Ipinaliwanag din ni Ryza sa isa pang basher ang kanyang dahilan kaya niya tinag ang pangalan ni Maine.
“Yes, kailangan niyang malaman. Concern ako sa kanya kasi dapat ang fans, alam nila ang dapat nilang ginagawa dahil bash nila sa ibang tao nagre-reflect sa idolo nila ‘yun at para mapagsabihan din n’ya.”
Pinatulan din ni Ryza ang basher na nagsabing gusto lang niyang mapag-usapan kaya niya tinag si Maine at tinawag pa siyang tanga.
“Mas tanga ka, isa ka ba sa fans na nagpapanggap,” mariing sagot ni Ryza sa basher.
Aware si Ryza na may war-freak na mga nagpapanggap na fans ni Maine dahil sinabi na ito sa kanya ng Eat Bulaga host.
“Alam ko sinabi sa akin ni Maine. Kaya nga nagsasalita rin ako in behalf of Maine. Hindi basta pumapatol sa bashers pero parang kailangan ko rin yata magsalita.
“Hindi ko nilalahat ang fans ni Maine mas marami kayong nagmamahal sa kanya. Basta alagaan n’yo s’ya kayo rin ang magdadala sa kanya sa paningin ng ibang tao. ‘Wag n’yong hayaan ‘yung ibang fans/bashers na sirain si Maine dahil sa masama nilang ugali, pleaseeeee… ‘Di niya deserve ‘yan.”
KIM CHIU INIYAKAN ANG PAGKATALO SA MMFF
KAHIT hindi sabihin ni Kim Chiu ang dahilan ng kanyang pag-iyak matapos ang Gabi ng Parangal ng MMFF 2018 na kung saan tinalo nga ni Ms. Gloria Romero si Kim sa pagka-best actress. Isa lang ang tiyak, dinamdam niya ang pagkatalo sa pagka-Best Actress dahil sa totoo lang ay talagang maganda ang ipinakitang acting ni Kim sa One Great Love movie nila ni Dennis Trillo na tinanghal naman na Best Actor.
Masakit talagang umasa na mananalo tapos ay matatalo. Mayroon pa naman ibang award giving body sa isang taon at who knows baka isa sa mga ito ay magbigay sa kanya ng karangalan na tanghaling Best Actress.
Malinaw kasi sa IG Story ni Xian Lim at sinabihan si Kim na, “You did your best.”
HEART EVANGELISTA UMAASANG AANI NGAYONG 2019
NAGPAPASALAMAT pa rin si Heart Evangelista-Escudero sa mga biyayang dumating sa kanya buhay kahit na dumanas siya ng lungkot.
Kaya sa pagpasok ng Bagong Taon ay mas maganda ang outlook niya sa buhay at naniniwala na may magandang plano sa kanya ang Panginoon para sa kanilang pamilya.
“As I look back at the year that has passed, all I can say is that I am thankful for the joys and the pains that have made me who I am today,” post ni Heart sa Instagram.
Naging hamon nga raw kay Heart ang 2018, pero na-survive naman daw niya ang lahat dahil hindi siya bumitaw at laging nag-darasal sa Panginoon.
“You know for my 2018, it was really a roller coaster for me. There was something bad that happened but I feel that God really gave me more good moments than really low ones.
“I feel like it would just be a sin if I complain so that`s why I`m just very grateful and I never questioned God with what happened in 2018. I feel that 2018 I started to see the beginning of the seeds that I planted in the past, so hopefully 2019 movie is harvest time for us.”
Pinasalamatan din ni Heart ang collaboration niya sa kanyang brand fashion na Marie x Kamiseta.
Sa pagpasok ng 2019 ay makakasama si Heart sa nagbabalik na reality artista search na Starstruck at umaasa siya na mapagsasabay niya ang paggawa ng isang teleserye.
Comments are closed.