(Sa gitna ng mataas na interest rates) BANK LENDING BUMAGAL ANG PAGLAGO

fake money

BUMAGAL ang paglago ng bank lending noong Hulyo sa gitna ng mataas na interest rates, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). 

Sa preliminary data ng BSP, ang outstanding loans ng universal at commercial banks ay lumago ng 7.7 percent year-on-year noong Hulyo, subalit mas mababa sa 7.8 percent noong Hunyo.

“On a month-on-month seasonally-adjusted basis, outstanding universal and commercial bank loans, net of RRPs [reverse repurchase placements], rose by 0.6 percent, similar with the previous month,” ayon sa central bank.

Ayon pa sa datos, ang loans sa residents, net of RRPs, ay tumaas ng 7.7 percent noong Hulyo kumpara sa 7.9 percent sa naunang buwan.

Samantala, ang outstanding loans para sa production activities ay tumaas ng 6.2 percent noong Hulyo makaraang lumago ng 6.3 percent noong Hunyo, habang ang consumer loans sa mga residente ay lumago ng 22.6 percent noong Hulyo mula 23.7 percent noong Hunyo, sa likod ng pagtaas sa credit card at motor vehicle loans.