(Sa giyera vs illicit financial flows) BOC, AMLC, BSP SANIB-PUWERSA

BOC

BILANG bahagi ng pagsisikap na masugpo ang illicit financial flows, mahigpit na binabantayan ng Bureau of Customs ang ilang grupo ng passengercouriers na nagdedeklara ng malaking halaga ng foreign currency sa kanilang pagpasok sa bansa.

Ayon sa BOC, nakikipag-ugnayan sila sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) at sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa paglaban sa illicit financial flows.

“Several groups of passenger-couriers declaring huge amount of foreign currency have been identified by the BOC through its sustained monitoring efforts,” pahayag ng ahensiya.

“The Bureau of Customs vows to continuously intensify its efforts on border protection and prevent the illegal movements of illicit money or capital to and from the Philippines,” dagdag pa nito.

Sa ilalim ng Philippine laws, ang halaga ng foreign currency na lalagpas sa  $10,000 ay kinakailangang ideklara bago payagang makapasok sa bansa.

Comments are closed.