(Sa HLG) ALDEN NAKABUO NG MGA KAIBIGAN SA LABAS NG HOME NETWORK

alden

NAG-LAST shooting day na ang “Hello, Love, Goodbye,” ang first movie team-up nina Kathryn Bernardoshowbiz eye at Alden Richards sa Star Cinema last Saturday, May 18, 11:30am at nagtapos sila the following day, Sunday, May 19, 8:00 am.

Sa pagsu-shooting ni Alden sa labas ng GMA Network, naka-gain siya ng mga bagong kaibigan, bukod kay Kathryn, sa boyfriend nitong si Da­niel Padilla at mga Kapamilya stars na kasama sa movie, at sa director nilang si Cathy Garcia-Molina.

Si Kathryn, inaming pinag-isipan muna niya ang offer na magtambal sila ni Alden for the first time. Ito ang pahayag niya:

“They gave me time to think about it.  I considered a lot of things hanggang sa I said yes.  Kasi si Alden rin ‘yung perfect guy for the role, and ayaw kong sayangin ‘yung chance na pinayagan ako.  Hindi laging mangyayari ito, so why not.  He’s a good actor, he’s a good person.  Tutulungan niya ako, tutulungan ko s’ya.  Magtutulungan kami.”

Bago ang last shooting day niya, nag-post naman si Jeffrey Tam @akosijefftam ng: “Nakakalungkot kase last day na namin ng shoot.  Masaya kase nakabuo kami ng tunay na pagkakaibigan @jorossgamboa @aldenrichards02 #HelloLoveGoodbye

During their shooting sa Hong Kong nabuo nga ang friendship nila at lagi silang magkakasamang kumain ng street foods doon, mag-shopping sa Mong Kok, kapag may break sila, at magkakasama sila sa iisang room na tinutuluyan nila.

Noong last taping day, sinamahan muna ni Daniel Padilla si Kath sa event ng isang endorsement nito at pagbalik, nag-stay na siya sa set. At ito naman ang sinabi ni Daniel tungkol kay Alden:

“In general, he’s a very professional guy.  Hindi nahirapan si Kathryn katrabaho at napakabuti ‘yung tao na ‘yun.

“Dahil bago pa ako mag-artista nakatrabaho na siya ng ermat ko, at wala nang ibang sinabi ang nanay ko kundi kabutihan.  Very comfortable ako.

“I’d like to thank the guy for being a good guy.”

Daniel’s mom Karla Estrada worked with Alden in 2011 sa GMA 7.

At bilang pasasalamat naman ni Alden sa staff and crew ng “Hello, Love, Goodbye,” may pa-swimming siya after nilang mag-pack-up that Sunday morning.  May thanksgiving prayer sila bago ang lunch, at doon nga nakita na si Alden ay nakapagpa-trim na ng kanyang balbas at hair,  at talagang nagpakuha pa siya ng picture na kumukuha ng maraming kanin (rice). Balik na nga siya sa regular meals niya.

Post-production works na pagkatapos ni Direk Cathy, at hihintayin na lamang ang definite playdate ng first movie nina Kathryn at Alden for Star Cinema

Sa pagdalaw sa kanyang tindahan

RIZA FAULKERSON NATUWA SA KUYA ALDEN NA NAGHUGAS NG PLATO AT NAGBALOT NG KANIN

NAKAUSAP namin si Riza Faulkerson, ang sister ni Alden Richards at Managing Director ng kanilang RIZA FAULKERSONMcDonalds in Biñan, Laguna. Miss na miss na raw niya ang kuya niya dahil very busy nito.  After ng shooting sa Hong Kong, nag-show sa New York at pagbalik dito balik-shooting pa rin.

Pero natuwa raw sila nang dumating sa store last Thursday morning bago pumunta sa shooting.

“Nakakatuwa po kasi naghugas ng mga plates and cups at nagbalot ng rice para sa chicken,” natatawang kuwento ni Riza.  “Ganoon po siya, hindi niya ipinaalam na nandu’n siya.  Ini-enjoy niya iyong ginagawa niya.  Tapos umalis na rin at nagpunta na sa shooting.”

Comments are closed.