ROME — Sumipa ang presyo ng pagkain sa mundo sa ika-4 na sunod na buwan noong Nobyembre upang manatili sa 10-year highs, sa pangunguna ng mataas na demand para sa wheat at dairy products, ayon sa UN food agency.
Ang food price index ng Food and Agriculture Organization (FAO), na sumusubaybay sa international prices ng “most globally traded food commodities”, ay may average na 134.4 points noong nakaraang buwan kumpara sa revised 132.8 para sa Oktubre.
Ang October figure ay naunang naitala sa 133.2.
Ang November reading ang pinakamataas para sa index magmula noong Hunyo 2011. Sa year-on-year basis, ang index ay tumaas ng 27.3% noong nakaraang buwan.
Malaki ang itinaas ng presyo ng mga produktong pang-agrikultura sa nakalipas na taon dahil sa kakulangan sa ani at mataas na demand.
Ang cereal price index ng FAO ay tumaas ng 3.1% noong Nobyembre mula sa naunang buwan at mas mataas ng 23.2% kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, kung saan ang wheat prices ay pumalo sa pinakamataas na antas nito magmula noong Mayo 2011.
“Wheat prices were supported by concerns about unseasonable rains in Australia and uncertainty over potential changes to export measures in Russia,” ayon sa FAO.
Ang dairy price index ang nagtala ng pinakamalaking buwanang pagtaas sa 3.4% mula sa naunang buwan.
“Strong global import demand persisted for butter and milk powders as buyers sought to secure spot supplies in anticipating of tightening markets,” sabi ng FAO.
Umangat naman ang global sugar prices ng 1.4% noong Nobyembre at tumaas ng halos 40% year-on-year.
“The increase was primarily driven by higher ethanol prices,” ayon sa FAO. REUTERS