MAY alok na libreng sakay sa mga commuter ang Light Rail Transit Administration, Light Rail Manila Corporation, at Metro Rail Transit management sa June 12, Independence Day.
Inanunsiyo ng LRTA sa Facebook na ang lahat ng pasahero ng LRT2 ay maaaring maka-avail ng libreng sakay sa Lunes, 7 a.m.-9 a.m. at 5 p.m.-7 p.m.
Ang serbisyo sa MRT3 at LRT1, na pinatatakbo ng LRMC, ay available sa kaparehong iskedyul.
Samantala, suspendido ang operasyon ng Pasig River Ferry Service sa June 12. Magbabalik ang normal operations nito sa Martes, June 13.