(Sa kanyang birthday) BRIAN POE LLAMANZARES NAMAHAGI NG SAKO-SAKONG BIGAS, HEALTH GEARS

BRIAN POE LLAMANZARES

NAG-POST nang birthday greetings ang Kapuso  star na si Lovi Poe sa kanyang Instagram account para sa anak ni Senator Grace Poe na si reflectionBrian Poe Llamanzares. Knows naman ng marami na si Lovi at Sen Grace  Poe ay mga anak ng Action King na si Fernando Poe Jr. Kaya si Brian ay pamangkin ni Lovi. At si Brian, siyempre pa,  apo ni FPJ. Narito ang caption  sa Instagram post ni Lovi na picture nila ni Brian, “Happy Birthday, @heyitsbrianpoe! ♥️

“You’ve been so supportive and I love seeing your face at the premieres.

“Thank you for always being there! Tita-Nephew bonding soon. ♥️”

Naging very meaningful naman ang pagse-celebrate ni Brian sa kanyang  28th birthday nitong  April 16.

Namahagi ng sako-sakong bigas si Brian sa Metro Manila.

Isang daang (100) sakong bigas ang ipinamahagi ni Brian sa Lungsod ng Maynila at 30 sako naman ang pinamigay sa Lungsod ng San Juan.

Ang pamamahagi ng sako-sakong bigas ni Brian ay bahagi rin ng inilunsad niya na relief operation upang tumulong sa mga higit na naaapektuhan ng enhanced community quarantine upang mapigil ang pagkalat ng COVID-19.

Nagsimula ang kanyang relief efforts sa bisperas ng kanyang kaarawan, ika-15 ng Abril, sa pamamagitan ng pag-repack ng mga PPEs, face masks, gloves, alcohol, at face shields para sa health frontliners kasama ang kanyang kapatid na si Hanna.

Sa ika-17 ng Abril (Biyernes) naman ay mamahagi siya ng 100 PPEs sa Naval Reserve Command at 50 sako ng bigas naman sa AFP Joint Task Force-National Capital Region.

“Nagpapasalamat ako sa pagkakataong ito na makapagbigay ng kahit simpleng tulong sa mga higit na nangangailangan sa  panahon ng pagsubok,” pahayag ni Brian.

May your tribe increase, Brian!

 

INIGO AT PIOLO PASCUAL MAGKAHIWALAY SA LOCKDOWN

KUNG super enjoy si Piolo Pascual sa kanyang  “confinement” sa resthouse niya sa Batangas,  naiwan naman sa kanyang condo ang anakIñigo and piolo niya na si Iñigo Pascual.

Napanood namin ang Lunchtime with the Stars  ng mga artist ng Cornerstone Entertainment sa Facebook kung saan isa si Iñigo sa  tatlong artists nila ang involved.

Ang dalawang Cornerstone artists na kasama ni Iñigo sa Lunchtime with the Stars ay sina Kyle Echarri at dance champion na si Ken San Jose.

Nag-post ng question ang isang netizen sa tatlo kung ano ang reaction nila sa pag-like at pag-post ng international star na si Justin Bieber ang ginawang tiktok ng isang Pinay.

“You know, that’s Justin Bieber.  So, you know, it’s a buzz thing,” sabi ni Ken.

Ayon naman kay Iñigo, “Pag si Justin Bieber  pi-nost ang video mo, grabe ka. Siguro hihimatayin na ako nu’ng nakita ko ‘yung  video ko.”

Pahayag naman ni Kyle, “Yeah, sobrang blessed mo. That’s Justin Bieber. He’s so  respected.”

Tumpak.

Comments are closed.