(Sa loob ng 61 taon) UNANG ASIAD GOLD SA GILAS

SA UNANG pagkakataon magnula noong 1962 ay nagwagi ang Pilipinas ng gold medal sa men’s basketball sa Asian Games makaraang pataubin ang Jordan, 70-60, kagabi sa Hangzhou, China.

Binasag ng Gilas Pilipinas ang 31-31 pagtatabla sa halftime makaraang magsalpak ng tatlong triples upang ma-outscore ang Jordan sa third quarter, 20-10, at unti-unting lumayo sa 51-41 bago ang fourth.

Tinapyas ni Rondae Hollis-Jefferson ang deficit sa pito bago ang backto-back baskets mula kina Ange Kouame at Scottie Thompson upang muling bigyan ang Gilas ng 10 puntos na kalamangan, 60-50.

Pagkatapos ay bumanat si Kouame ng malaking putback mula sa sablay ni Chris Newsome, 64-55, may 1:44 ang nalalabi.

Ang huling pagkakataon na nanalo ang national team ng gold medal sa Asian Games ay noong 1962, nang talunin nito ang China.

Magmula noon, ang pinakamataas na pagtatapos ng Pilipinas ay fourth place sa 2002 edition sa Busan, South Korea.

Ito ang ika-4 na gold medal ng bansa sa Asian Games matapos nina pole vaulter EJ Obiena at jiu jitsu stars Meggie Ochoa at Annie Ramirez