(Sa loob ng isang linggo) MRT-3 MAY LIBRENG SAKAY SA MGA BETERANO

MAY libreng sakay ang MRT-3 sa mga beterano bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng  Philippine Veterans’ Week at Araw ng Kagitingan.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, maaaring maka-avail ng libreng sakay sa buong oras ng operasyon ng tren simula sa Abril 5 hanggang  11.

Ipakita lamang ng mga beterano ang kanilang identification card mula sa Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) sa security personnel ng mga istasyon.

Ayon kay Transportation Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino, ito ay bilang pagkilala ng MRT-3 sa mahalagang kontribusyon sa lipunan ng lahat ng mga beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Bukod sa mga beterano, libre ring makasasakay ang kanilang kasama sa nabanggit na mga araw.

PAULA ANTOLIN