Sa misgendering issue sa Cebu: “EDUCATE NOT HUMILIATE,” — KALADKAREN

HINDI nakatiis ang transwoman na si Kaladkaren a.k.a. Jervi Li, na hindi magkumento sa naganap na panghihiya ng isang miyembro ng LGBTQIA sa isang waiter sa Cebu matapos siyang to tawaging Sir.

Ayon sa UP cum laude, sa halip na hiyain, dapat sana ay i-educate na lang ito.

Aminado siyang paminsan-minsan ay tinatawag pa rin siyang “Sir,” pero hindi umano ito sapat para ikagalit. Sa mga ganitong pagkakataon, ngumingiti lamang umano siya at hindi na pinapatulan. Minsan naman, dinadaan niya sa biro, tulad daw ng pagsasabing, “ikaw naman kuya/ate, ang ganda ko naman pong sir” at kadalasan ay nagtatapos ito sa tawanan.

Minsan naman, sinasabihan ni Kaladkaren ang kausap na tawagin siyang “ma’am” o “miss.” Maunawain dawang TV personality sa mga ganitong pagkakataon dahil madalas, hindi naman nila intensyong maka-offend at nalilito lang sila.

“Tinawag kang ma’am or sir because they want to show respect,” sabi ni Kaladkaren.

Kung hindi raw pabor sa tao ang itinawag sa kanya, itama na lang.

Of course meron ding nananadyang “mambastos,” ngunit mas lamang ang nalilito lang.

Bilang miyembro ng LGBTQIA community, para kay Kaladkaren, i-educate na lamang ang mga nagkakamali. “But educate properly,” paalala niya. “Lahat, nagkakamali, that includes me. I believe, being kind makes us empathize more with other people. Let’s love and respect one another.”

Dumarami pa ang mga celebrities na nagbibigay ng kanilang opinyon sa bagong viral issue ni Jude Bacalso, isang LGBTQIA member sa Cebu na sinasabing biktima raw siya ng “misgendering” dahil tinawag siyang “Sir” ng isang waiter kahit nakadamit-pambabae siya.

Si Bacalso ay dating TV personality at isa ring host at writer sa Cebu. Sa report, dalawang oras na sinermunan ni Bacalso ang waiter, habang nakatayo ito sa kanyang harapan.

Naunang nagpahayag ng kumento si Kaladkaren ngunit may say din ang magaling na aktres na si Rosanna Roces, na aminadong may kinakasama ngayong miyembro ng LGBTQIA.

Ani Rosanna sa kanyang FB account: “Ang madilim na katotohanan ay gusto mo tanggapin ka ng mga
nakapaligid sa yo na Babae ka.. Eh hindi mo nga matanggap sa sarili mo na panget na Lalake ka ungas!”

Ayon naman Kay Aiko Melendez sa kanya ring Facebook post, hindi dapat maging balat-sibuyas kung nagkamali ang isang tao.

Sana raw, mas naging maunawain si Bacalso sa insidente. “Magkano lang ang sweldo ng mga waiters?” aniya. “Swerte na kung galante ang customers at me pa tip dba? Pero ung 1 oras ng lecture 101??? Malalaley …

“Gender is not the issue here…. issue here is how you treat people.

“Customers is always right pero ilagay naten sa lugar po. Be KIND!!!! Golden rule yan teh!!!”

Sundot pa si Aiko, nais niyang makilala ang waiter para mabigyan ng encouragement.

Marami pang personalidad at influencers ang nagbigay ng kanilang opinyon hinggil sa isyu — tulad ng LGBTQIA members ding sina Ogie Diaz, Iyah Minah, at Lars Pacheco. Lahat sila ay hindi pabor sa ginawaran ni Bacalso.

By the way, nag-issue na raw ng apology si Bacalso sa waiter. Nahiya siguro dahil walang kakampi.

RLVN