(Sa pagdating ng imports, milling season)PRESYO NG ASUKAL BUMABABA NA

NAGSIMULA nang bumaba ang presyo ng asukal sa bansa sa pagdating ng 150,000 metric tons ng imported sugar at sa milling season ng local producers, ayon sa Sugar Regulatory Authority (SRA)

Ayon kay Pablo Luis Alcoza, ang kinatawan ng planters sa SRA board, unti-unti nang nararamdaman sa lokal na pamilihan ang pagbaba sa presyo ng asukal.

“Na-feel na ng buong market ‘yung change in demand and supply as well kasi parang peak of milling na tayo ganyan. I think the refined [sugar] will be at around P90 siguro, more or less…’yung washed at P80 I think is fair kasi ‘yung brown siguro ‘pag ganun P70 siguro ‘yun,” sabi ni Alcoza.

“Sa farmers kasi it has been in a constant decline. Siguro, mga it took about almost three weeks na pababa. We will know this Thursday. If it maintains the same level, then, we can fully say na stabilized na po,” dagdag pa niya.

Sa datos ng Department of Agriculture (DA), hanggang noong Setyembre 29, 2022, ang average na presyo ng kada kilo ng refined sugar ay nasa P100, P75 sa washed sugar, at P80 sa brown sugar sa Metro Manila.

Ikinatuwa naman ng United Sugar Federation (UNIFED) ang pagdating ng imported na asukal ngunit iginiit niya na ang presyo ay dapat na maging matatag sa P85 hanggang P90 para hindi malugi ang mga nagtitinda.

“Mukhang nag-reflect na siya Wala na kaming reklamo,. ‘Yung damages ng bagyo po, ni Paeng, we can live with it. We can still produce the next crop for the next year,” sabi ni UNIFED President Manuel Lamata.