INAASAHANG tataas ng 5.5% ang consumer spending ng Pilipinas ngayong taon.
Ito’y batay sa pagtaya ng S&P Global Ratings kung saan ang 5.5 % growth ay mas mababa pa rin kumpara sa 6 % noong pre- pandemic level.
Ayon sa Debt Watcher, unti-unting makakabawi ang consumer spending activity ngayong taon.
Hindi lamang ang Pilipinas ang nakaranas ng mababang household spending kundi ang iba ring ekonomiya bunsod ng pagtaas ng interest rates ng mga bangko sa buong mundo.
Sa taong 2023, bumagal sa 5.6% ang household consumption mula sa 8.3% noong 2022.
Sinabi naman ng ekonomista ng Standard Chartered bank na si Jonathan Koh na nanatiling “resilient” ang consumer spending ng bansa.
DWIZ 882