(Sa pagtugon sa climate change) PBBM BUKAS SA SUPORTA NG GGGI

BUKAS si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa tulong ng  Global Green Growth Institute (GGGI) para maging climate resilience at sumulong  ang green growth strategy sa pamamagitan ng Host Country Agreement (HCA).

Ito ang inihayag ni Pangulong Marcos kay  dating United Nations Secretary General Ban Ki-Moon, presidente ng Assembly & Chair of the Council of GGGI, nang mag-courtesy call sa  Malacañang.

Una nang tiniyak ni Ban kay Pangulong Marcos na kanilang sinusuportahan ang pagsisikap ng Marcos administration para i-address ang climate change.

Noong  December 2023, inaprubahan ng Pangulo ang HCA na nilagdaan ng Philippine government sa  GGGI na bubuo ng tanggapan sa Pilipinas subalit kailangan pang pagtibayin ng Senado.

“We welcome any assistance or any advice on the subject (climate change). I’m certain that after you meet with the Senate President and you will speak with the senators, the ratification of the agreement will follow very quickly,” anang  Pangulo.

“I think it is something we are all, all of us in government or out of government have really put a great deal of emphasis on simply because it has been… it has affected us greatly. I hope that we can come with some strategies that will help us,” dagdag ni PBBM.

Sinabi ng Pangulo na hindi na maiiwasan ang masamang epekto ng pagpapalit ng weather pattern partikular ang global warming

Pinasalamatan naman ng Pangulo ang Asia Development Bank’s (ADB) mitigation strategy na aniya’y may mahalagang papel na ginagampanan sa climate mitigation and adaption efforts ng bansa, partikular ang mga paghahanda sa darating na panahon sa mga ganitong sitwasyon.

Umaasa naman si Ban na makatrabaho ang  Marcos administration para makaagapay sa pabago-bagong climate situation.

EVELYN QUIROZ