(Sa Q3 2024 — OCTA) GUTOM, POBRENG PINOY NABAWASAN

BUMABA ang bilang ng pamilyang Pinoy na mahirap at nakaranas ng guton sa third quarter ng taon, ayon sa Tugon ng Masa (TNM) survey na isinagawa ng OCTA Research.

Tinatayang 43% ng pamilyang Pinoy, o 11.3 million, ang nagsabing mahirap sila sa third quarter ng 2024. Ayon sa OCTA Research, malaki ang ibinaba nito mula sa 48% na naitala sa second quarter TNM survey na isinagawa noong Hunyo.

”The 5-percentage point drop equates to a reduction of around 1.4 million families no longer considering themselves poor, underscoring a notable shift in self-perceptions of poverty during the period,” ayon sa OCTA.

Kumpara sa June 2024 survey, ang self-rated poverty ay bumaba ng seven percentage points sa Balance Luzon (37% to 30%) at 17 percentage points sa Mindanao (77% to 60%).

Samantala, tumaas ito sa National Capital Region (mula 28% sa 35%) at sa Visayas (mulac52% sa 59%), kapwa ng seven percentage points.

Lumitaw sa survey na ang Mindanao pa rin ang may pinakamataas na porsiyento ng pamilya na itinuturing ang kanilang sarili na mahirap sa 60%, sumunod ang Visayas sa 59%.

Samantala, tinatayang 11% ng pamilyang Pinoy, o 2.9 million, ang nagsabing nakaranas sila ng gutom sa nakalipas na tatlong buwan bago ang survey.

Ayon sa OCTA Research, bumaba ito mula sa 16% na naitala sa TNM survey na isinagawa noong Hunyo.

”The 5-percentage point drop represents a decrease of approximately 1.3 million families who no longer faced hunger in the third quarter of 2024. This underscores a notable improvement in self-reported hunger levels during this period,” dagdag pa nito.

Ang survey ay isinagawa noong August 28-September 2, 2024, gamit ang face-to-face interviews. Kabuuang 1,200 male at female respondents na may edad 18 at pataas ang tinanong sa survey.

Ang survey ay may ±3% margin of error sa 95% confidence level.