(Sa Starstruck season 7… )CHERIE GIL PAPATULAN ANG TATAWAG SA KANYA NG ‘TITA’

SA pagbabalik ng “Starstruck” Season 7 sa GMA-7 ay iba naman ang batch ng judgeswallface ngayong season, sa pa­ngunguna ni Heart Evangelista, susundan ni Jose Manalo at ng magaling na actress na si Cherie Gil.

Hindi naman puwedeng isnabin ang kaka­yanan ni Cherie na mamili ng isang artistahin lalo pa nga’t baguhan ito at sa isang artista search show.

Sabi ni Cherie, isang tingin pa lang daw niya sa mga aspirant ay alam na niya kung may kakayahan itong maging artista o wala. Pero kahit naman na kilalang mataray si Cherie ay hindi naman daw niya gagamitin ang kanyang katarayan sa mga baguhan na nais pumasok sa showbiz. Ayaw raw niyang bigyan ng ‘trauma’ ang mga baguhan kung kaya she will be a little bit nicer to aspirants.

Pero may isang kondisyon lang si Cherie para ‘wag siyang magtaray sa mga aspirant, ‘wag na ‘wag daw siyang tatawagin na “tita” ng mga ito. At siyempre, dahil sa baguhan at medyo may kaba pagkaharap siya, ano naman kaya ang posibilidad na puwedeng gawin ni Cherie kung sakali man na makalimutan ng aspi­rant at matawag siyang “tita?” Isang makeface lang ang ginawa ni Cherie, bilang tugon, hitsura ng isang nagtataas kilay as in nagsusuplada ang dating.

Kaya sa aspirants diyan, don’t call her “tita” or else makikita niyo paano kayo dedmahin ni Cherie.

KYLINE ALCANTARA KEBER KUNG ULANIN NG BASHERS

SABI nga ‘pag ang isang puno ay hitik na hitik sa bunga, ito ay binabato. Ganu’n dinKYLINE ALCANTARA naman sa mga artista natin sa nga­yon na gumagawa na rin ng ingay sa industriya.

Tulad na lang ni Kyline Alcantara. Siyempre, lagi siyang nasa limelight at sunod-sunod ang kanyang trabaho pati na blessings sa showbiz career ay hindi maalis na ulanin din siya ng mga bashers. Tulad na lang sa pagtatapos ng kanyang “Inagaw Na Bituin” na kesyo raw hindi ito masyadong tinangkilik ng viewers at mahina na raw ang kanyang karisma.

Say naman ni Kyline sa mga namba-bash sa kanya, love raw sila ni Kyline kasi ang mga ito ang nagiging dahilan diumano kung bakit siya ‘strong’ ngayon sa mundo ng showbiz. Dagdag pa rito na hindi siya masyadong pumapatol sa mga ito, as in learning the act of dedma ang kanyang byuti.

Ika pa nga rin ni Kyline, less talk less mistakes. Sa ngayon ay wala pang teleseryeng nakalaan na gawin si Kyline pero just in case na bigyan siya ng offer, anong role kaya ang nais ni Kyline, ang maging bida o ang maging kontrabida kung saan talaga siya nakilala at sumikat?

Ani ng young Kapuso actress, feel daw niya ‘yung bida-kontrabida role, as in santa-santita. Sa ngayon ay bising-bisi si Kyline sa kanyang mga regular shows sa GMA-7, ang “Sunday Pinasaya”, “Studio 7” at ang pagi­ging online host ng “Starstruck”.

Comments are closed.