(Sa susunod na 12 buwan – SWS survey) 45% NG PINOYS UMAASANG BUBUTI ANG BUHAY

SWS-3

NASA 45% ng mga Pinoy ang naniniwalang gaganda ang kalidad ng kanilang buhay sa susunod na 12 buwan, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Lumitaw rin sa survey na 42% ng respondents ang nagsabing walang magiging pagbabago, 6% ang naniniwalang lalala ito, at 7% ang hindi nagbigay ng kasagutan.

“The resulting Net Personal Optimism score is +38 (% Optimists minus % Pessimists, correctly rounded), classified by SWS as very high (+30 to +39),” ayon sa SWS.

Ito ay bumaba ng 6 points mula sa December 2022 score na +44.

Nauna nang sinabi ng SWS na nasa 29% lamang ng mga Pinoy ang nagsabing gumanda ang kanilang buhay kumpara noong nakaraang taon.

Ang poll ay bahagi ng First Quarter 2023 Social Weather Survey, na kinapanayam ang 1,200 adults sa bansa mula March 26 hanggang 29.

Ayon sa SWS, ang sampling error margins ay ±2.8% para sa national percentages, at tig- ±5.7% sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.