SAKIT NGAYONG TAG-ULAN PAANO NGA BA MAIIWASAN?

TAG-ULAN-6

(ni CT SARIGUMBA)

LAGANAP na naman ang iba’t ibang sakit ngayong masama ang panahon. Tinatawag itong common disease.  Ang mga sakit na ito ay ang sipon, ubo, lagnat, ilang respiratory and pulmonary diseases, leptospirosis dermatitis at iba pang skin infection na ang dahilan ay ang maruming paligid.

Dumarami rin ang mga lamok kapag tag-ulan na nagiging dahilan ng dengue. Nagkaroon na ng dengue outbreak sa rami ng nagkaroon ng nasabing sakit—mapabata man o matanda. Nagsisiksikan na rin sa ospital ang mga pasyente.

TIPS PARA MAKAIWAS SA IBA’T IBANG SAKIT NGAYONG TAGLAMIG

Ngayon nga namang malamig ang panahon o tag-ulan, hindi maiiwasan ang iba’t ibang sakit. Maaari rin tayong mahawa lalo na kapag mahina ang ating resis­tensiya.

Kaya naman, para makaiwas sa iba’t ibang sakit ngayong taglamig, narito ang ilan sa mga tips na kailangan nating bigyan ng pansin:

 LAGING MAGHUGAS NG KAMAY

MAGHUGAS NG KAMAYSa usapang kalusugan, laging kasama sa listahan ang paghuhugas ng kamay. Isa nga naman ang gawaing ito sa napaka-epektibo. Gasgas man o nakaririndi na ang ganitong tip, importante pa ring sinusunod natin ito dahil malaki ang naitutulong nito upang maging malusog ang ­ating pangangatawan at malayo sa sakit.

Bago at pagkatapos  gumamit ng banyo ay hugasan ang mga kamay ng mabuti. Hugasan din ang mga kamay pagkagaling sa labas o sa pampublikong lugar.

LUMAYO SA MGA TAONG MAY SAKIT

Lumalakas ang virus na nagdadala ng trangkaso o lagnat kapag malamig ang panahon. Nagmumula ang nasabing virus sa pasy-enteng may trangkaso na kapag sila ay umubo, puwedeng mailipat ang virus sa mga pangkaraniwang bagay tulad ng mesa, gamit, computer at cellphone. Maaaring mabuhay ang mga virus na ito ng hanggang 24 oras sa mga kagamitan.

Kaya upang makaiwas sa ganitong sakit, lumayo sa mga taong inuubo nang hindi malanghap ang virus na nagmumula sa kanil-ang lalamunan. Ugaliing maghugas din ng kamay palagi o mag-alcohol. Linisin ang ka­gamitin sa bahay,

Umiwas din sa mga lugar na may maraming tao.

MAGDALA NG PAMPROTEKSIYON SA LAMIG AT ULAN

Importante ring napananatili nating nasa tamang temperature ang ating katawan nang maiwasan natin ang pagkakasakit. Kaya naman, kapag malamig o umuulan, ugaliin ang pagsusuot ng jacket o bagay na magdudulot sa iyo ng init.

Huwag ding kaliligtaan ang pagdadala ng payong sa tuwing lalabas o aalis ng bahay.

KUMAIN NG MASUSTANSIYANG PAGKAIN

MASUSTANSIYANG PAGKAINIsa pa sa kaila­ngan nating gawin kapag malamig o tag-ulan ay ang pagpapanatiling malakas  ng resistensiya. Sa pagbaba ng ating resistensiya ay mawawalan tayo ng panlaban sa kaliwa’t kanang sakit na nagkalat sa paligid.

At para magkaroon ng malakas na resistensiya, siguraduhing masusustansiyang pagkain ang kinakain o inihahanda sa buong pamilya.  Kumain ng gulay at prutas. Iwasan ang mga pagkaing hindi mabuti sa katawan.

ITAGO NANG MAAYOS ANG PAGKAIN

Pagdating naman sa paghahanda ng pagkain, siguraduhing malinis ito at sariwa. Lutuin ding mabuti ang mga pagkain nang hindi ito kaagad na masira.

Kung sakali namang hindi pa lulutuin ang pinamiling karne, isda o anumang pagkain, hugasan muna itong mabuti saka ilagay sa ref. Huwag ding pagsasama-samahin ang mga hilaw sa lutong pagkain.

MAGPAHINGA NANG TAMA

Kapag ang isang tao ay walang sapat na pahinga, malaki ang tiyansa nitong tumaas ang stress at bumaba ang productivity, kasama pa ang posibilidad na humina ang resistensiya. Kaya naman, napakahalaga rin ang pagpapahinga ng tama upang mapanatili nating malusog at malakas ang ating pangangatawan.

PRACTICE GOOD HYGIENE 

Bukod din sa pagpapanatiling malinis ang mga kamay sa kahit na anong oras, isa pa sa dapat nating kasanayan ay ang pagpapanatiling malinis ng buong katawan.

Kahit na gaano pa kalamig ang panahon, maligo pa rin araw-araw. Magsuot din ng malinis na damit. May ilan sa atin na dahil hindi naman umaalis ng bahay at pakiwari nila ay hindi sila nagpapawis,  pagkaligo ay ibinabalik ang naisuot na nilang damit.

Sabihin mang hindi ka umaalis ng bahay o ‘di ka pinagpawisan, magpalit pa rin ng damit o magsuot ng malinis na kasuotan.

Huwag nang ibalik ang mga damit na naisuot na. Huwag ding kaliligtaan ang pagsisi­pilyo ng ngipin.

REGULAR NA MAG-EHERSISYO

EHERSISYO-3Nakatatamad nga naman ang gumalaw-galaw lalo na kapag malamig ang paligid.  Pero hindi ito dahilan upang kaligtaan natin ang pag-eehersisyo.

Napakahalaga ng pag-eehersisyo sa araw-araw upang mapa­natili nating malusog ang ating katawan at maiwasang mahawa sa nagkalat na sakit sa paligid.

Kaya naman, regular pa ring mag-ehersisyo sabihin mang malamig ang panahon. Isang simpleng ehersisyo rin ang paglalakad. Kaya’t puwedeng-puwede itong gawin lalo na kung walang panahong magtungo sa gym o mag-ehersisyo.

Kaya’t ngayong panahon ng tag-ulan, napakahalagang nag-iingat tayo’t napananatili nating healthy ang ating katawan at malinis ang kapaligiran.

Maging aware rin tayo sa mga nangyayari sa paligid lalo na sa usapang kalusugan. (photos mula sa monitor.co.ug, mnn.com, ironcompany.com at medicalnewstoday)

Comments are closed.