Ang Salubong ay isang pagdiriwang na batay sa tradisyong Filipino, na isinasagawa taon-taon sa buong bansa sa napakatagal nang panahon. Isa itong salitang Filipino na sa English ay “meeting” ngunit dahil mas mayaman ang ating wika, may iba pa itong kahulugan – hindi sinasadyang pagkikita ng dalawa o higit pang taong nagmula sa magkahiwalay na lugar.
Ngunit kung Mahal na Araw (Lenten Season), isa itong ritwal na isinasagawa sa pagitan ng araw ng Sabado de Gloria (Sabbath) at Domingo de Pascua o Linggo ng Pagkabuhay (Easter Sunday) – kung saan magkikita si Jesus Christ at ang kanyang inang si Maria matapos na siya ay mabuhay namag-uli. Ito ang pagtatapos ng Easter Vigil na nagsisimula ng 6 pm sa Black Saturday at matatapos sa madaling araw ng Easter Sunday, na kadalasan ay 4 am.
Pasko ng pagkabuhay o Easter ang kinukunsiderang pinakamahalagang event sa paniniwala ng lahat ng Kristiyano, mas mahalaga pa sa Pasko. Kung ang Pasko ay pagsilang ni Jesus, ang Pasca o Resurrecion o Pasko ng Pagkabuhay naman ay ang pagbabalik ni Jesus matapos mamatay ng tatlong araw at tatlong gabi. Sa mga nananampalataya, ito ang hudyat ng bagong buhay.
Lahat ng ginagawa ng mga Kristiyano sa Pasko ay paghahanda lamang para sa Easter. Pareho itong ipinagdiriwang, bagama’t ang Easter ay kasunod lamang ng pagdadalamhati sa pagpanaw ng Mananakop sa Biyernes Santo. At kung ang Pasko ay may Santa Claus ang Pasko ng pagkabuhay ay may Easter Bunny. Kapwa sila simbulo ng pagpapahalaga sa pagbibigay.
Simula ng Semana Santa (Lenten season) sa Ash Wednesday o Miercules de Ceniza. Mula sa araw na ito, ang mga Katoliko ay nagsasagawa ng ayuno at abstinensya sa lahat ng araw ng Biyernes hanggang sa Biyernes Santo. They are likewise encouraged to go to confession so as to prepare themselves for Holy Week.
Ang Semana Santa ang huling linggo ng Lent at nagsisimula naman ito sa Domingo de las Palmas (Palm Sunday). Ang mga araw sa pagitan ng Palm Sunday at Easter Sunday o Easter Triduum ay Lunes Santo, Martes Santo, Miercules Santo, Hueves Santo, Viernes Santo at Sabado de Gloria. Sa mga araw na ito, ang mga Kristiyano ay nagninilay ng mga kasalanan, nagdarasal, nagsisimba at nangungumpisal. Bilang paghahanda sa muling pagkabuhay sa araw ng Linggo.
Ang preparation sa Easter Sunday celebration ay nagsisimula sa Easter Vigil. Sa Pilipinas, tinatawag din itong “Salubong”. Sa pagsasadula ng “Salubong” ang mga imahe ng Resurrected Christ at ng Mater Dolorosa (nagdurusang inang Maria) na natatakpan ng belo ay magsasagawa ng dalawang magkahiwalay na prusisyon. Kalalakihan ang kasama ng Resurrected Christ at kababaihan naman ang kasama ng imahe ni Mother Mary. Magkikita ang dalawang imahe sa isang lugar, na kadalasan ay sa harapan ng simbahan, kung saan nakahanda na ang mga talulot ng bulaklak na isasabog sa Mahal na Birhen kapag inalis na ang kanyang itim na belo. Mga batang babaeng nakasoot ng puting damit ang magsasabog ng bulaklak. Sila rin ang nag-aalis ng itim na belo.
Ang Easter ay major religious holiday sa Pilipinas, kung saa 80% ng populasyon ay Romano Catolico. Habang ang iba ay nananahimik lang sa bahay o nagdarasal ng mataimtim sa simbahan kapag Biyernes Santo, ang iba naman ay sinasamantala ang mahabang bakasyon para umuwi sa probinsya upang bisitahin ang pamilya. Ang iba naman, nanonood ng religious movies o kaya naman ay nagsasagawa ng mga religious rituals tulad ng pagpapapako sa krus sa Pampanga, o pagpipinetensya. Ngunit anumang religious rituals ang gawin, nagtatapos pa rin ang pagdiriwang sa Salubong.
Sa pagtatapos ng Mahal na Araw, natatapos na rin ang pag-aayuno at pagpipinitensya, kaya balik na sa normal diet. Pwede na uling kumain ng karne. KAYE NEBRE MARTIN