SHAINA MAGDAYAO MAGIGING KAPUSO NA

HINDI nag-swak ang unang hula sa blind item ni Igan Arnold sizzling bitsClavio sa DZBB last April 4 na si Alex Gonzaga ang personalidad na lilipat sa Kapuso network. Nevertheless, mas swak ang panibagong hula na si Shaina Magdayao raw ito.

Kung sabagay, matagal nang naka-freeze ang career ni Shaina sa Kapamilya network.

Tama rin ang clue na galing sa GMA Network ang kapatid nito in the person of Ms. Vina Morales.

Malaking factor din ang pagiging kabarkada ni Shaina ang mag-utol na Rayver at Rodjun Cruz na aktibo na sa GMA 7 sa ngayon.

Anyway, si Jessy Mendiola, ‘yung isang aktres na napabalitang nakipag-usap ang kanyang representative sa Kapuso network ay hindi na raw matutuloy ang paglipat.

Hinarang kaya ito ni Luis Manzano?   Well, we can never tell.

Whatever, sabi sa additional clues, may kapatid daw itong artista rin at “nagho-host, may anak, at married.”

Ang tanong, married na ba si Vina?

Malabo namang si Julia Montes ito dahil loyal talent ito ng ABS-CBN, bagamat ilang buwan nang missing in action.

‘Yun nah!

NAPATUNAYAN ANG TUNAY NA MAY ‘K’

HABANG hit na hit ang soap (Sahaya) ni Bianca Umali, nilalangaw naman ang soap ng isang aktres-aktresan na nag-ilusyong isa na raw siyang veritable big star. Harharhar!

Hayan at ang latest, iniurong na ang timeslot nito at mas binigyan ng priority ang soap (Bihag) nina Max Collins at Jason Abalos dahil feel ng management ay higit na may laban ito compared sa soap ng ilusyunadang starlet na ewan ko kung matutuloy pa ang launching movie na nai-announce before.

Considering that it was an all star cast soap, hindi talaga pumalo ito sa rating at nilalamon ng katapat na soap.

Dati kasi, pinagka­kaguluhan daw ang super starlet sa mga mall shows at personal appearances nito.

Ang ‘di nila alam, may gimmick ang manager na dati’y bongga ang PR pero ngayon ay isnabera na sa press.

Isnabera na raw sa press, o! Hahahaha!

May I bring siya ng mga bayarang pala na nagkagulo kuno sa starlet kaya na-brainswash ang network into believing that she is indeed a veritably promising star.

Ang kaso, nabukelya  sa solo soap niya na wala pala siyang panghatak sa rating kaya nilalamon ng katapat na soap opera.

‘Yun nah! Hahahaha!

Sa ngayon, mukhang matindi ang labanan ng Bihag nina Max at Jason at mukhang makauungos sila sa kalaban.

Dapat lang! Sa ganda ba namang ‘yun ni Max Collins, idagdag mo pa ang kamachuhan ni Jason Abalos at sparkling sensuality of Mark Herras, not to mention the luminous presence of Sophie Albert, what would you expect but veritable success!

Kaya pakaabangan ang Bihag at exactly 3:25 in the afternoon, right after Dragon Lady.

Dating TV5 anchor, pumanaw na sa edad na 34

Pumanaw na ang dating TV5 news/weather anchor at Manila Times columnist na si Joseph “Seph” Holandes Ubalde last April 1, 2019.

He was 34 years old.

His dead body was found in his hotel room at the Bonifacio Global City.

Natagpuan daw ang wala nang buhay na katawan ni Seph sa banyo ng hotel room right after na rumesponde ang hotel security sa tawag ng isang caller na nagsabing hindi sinasagot ng anchor/columnist ang kanyang telepono.

Sang-ayon sa in-house doctor ng hotel, pumanaw raw si on the spot!     His career on television started when he work for GMA News as Senior News Producer.

He transferred to TV5 last 2011 where he worked as Multimedia Reporter of InterAksyon.com.

Nakalagak ang mga labi ni Seph Ubalde sa Loyola Memorial Chapels, Commonwealth Avenue, Quezon City.

Follow me at my Twitter Account Pete Ampoloquio, Jr. Ito ‘yung may profile photo namin ni Billie Crawford.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos! I always need you Nhong!

Comments are closed.