SHARON CUNETA BINIGYAN NG DIAMOND-STUDDED BRACELET SI VICE GANDA

SHARON-VICE GANDA

ANG galing naman!encounters with pm

Nasa promo period na para sa kanyang anniversary concert ang Megastar na si Sharon Cuneta. At kasama sa iikutan nitong programa ang “GGV” o “Gandang Gabi Vice.”

Napansin diumano ni Vice Ganda ang mga alahas na suot nito.

At gaya ng naging ugali na ni Mega kapag may pumansin sa kanyang suot na alahas at gusto niya ang bumati, and in this case nga e, nasabi raw nito na noon pa mang hindi pa sikat si Vice Ganda e, gusto at love niya ito, ibinigay niya kay Vice Ganda ang diamond- studded bracelet na suot na milyon diumano ang halaga.

Ain’t that great?

Ang huli kong na-witness na binigyan niya ng sapphire earrings e, ang nag-i-impersonate sa kanya na si Ate Shawie a very long time ago. At ang bilin pa nga niya sa sing-along host ay makatulong sana ito sa pagkakataong kailanganin niya.

Ganyan pa rin ka-sweet si Mega!

o0o

SA MGA hindi nakakaalam, hindi naman na pala ikapagtataka kung sa pag-arte man nahaling ang aktor (ng entablado at pelikula) na si RS Francisco.

Ang tatay nito ay artista ng Sampaguita Pictures—si Rudy Francisco na sa i­lang panahon din ay naging leading man ng isa sa Reyna ng Pinilakang Tabing na si Ms. Gloria Romero. Pero dahil may iba pa ring career sa tinapos na kurso ito, hindi sa showbiz nabaling ang kanyang focus. At si RS na ang nagpatuloy nito.

Matapos na mapansin sa “Boy Intsik” at umani ng mga parangal,  binabalikan nito ang legitimate stage para muling gampanan ang katauhan ni Song Liling sa “M Butterfly”.

Taon na ang binilang nang unang gampanan ng bagets pa noon na si RS ang karakter ng isang spy na nagpaibig sa lalakeng nahaling sa kanya kahit may asawa na.

Ibinuhos ni RS at ng kanyang produksiyon ang mga kinailangan para ma­ging bongga ang palabas na magsisimula ng mapanood sa Setyembre 13, 2018 sa Maybank Performing Theater Arts sa 26th St. sa BGC sa Taguig.

Makikita rin ang mga works of art ng Magnificent 7 o pitong ace photographers (Jun de Leon, Raymund Isaac, Patrick Rosas, Mandy Navasero, BJ Pascual, Manny Librodo, Wig Tysmans at Patrick Uy) na nagbigay ng kanilang interpretasyon sa babaeng si Song Liling. A photo exhibit na may pamagat na “Chrysalis”.

ALLEN DIZON TENGGA SA INDIE FILMS

ALLEN DIZONHABANG tengga pa at naghihintay pa ng shooting niya sa remaining days sa “Latay” ng BG Productions ang premyadong aktor na si Allen Dizon, sumalang muna ito sa isang dramatikong pagganap sa “MMK” (Maalaala Mo Kaya) na mapanonood na sa Sabado, Setyembre 8, 2018 sa Kapamilya.

Mula ito sa direksiyon ni Nuel Crisostomo Naval at sa panulat nina Jaymar Santos Castro at Arah Jell Badayod na may working title na Marital Confessions.

Kasamang magsisiganap ni Allen sina Meryll Soriano, Lilygem Yulores  Abby Bautista, CX Navarro at Nhikzy Calma.

Istorya ng mga pa­ngarap para maitaguyod ang isang pamilya. Pero dahil sa kahirapan, kinailangang lumabas ng bansa para umalwan ang buhay.

Pero hindi madali para kay Alma (Meryll). Naloloko. Nasasamantala. Maraming maisasakri­pisyo. Kung paanong hinarap ng mag-asawa ang mga pagsubok ang ilalahad ng kuwento nila.

Tutukan!

Tila nagiging breather ni Allen ang telebisyon. Nakatapos na ito ng “Persons of Interest” kay Ralston Jover, “R2K: Alpha The Right To Kill” at “Ma­gindanaw” kay Brillante Mendoza. At hindi mala­yong mag-ikot na naman ito sa film festivals abroad dahil sa mga papel na ginampanan.

Nasa Main Competition sa 66th San Sebastian Film Festival ang “Right to Kill” kaya tutungo ang team sa Spain mula September 21 to 29. Where he essays the role of a corrupt policeman.

Comments are closed.