SHARON CUNETA IPINALIT SA DARNA NI LIZA

sharon cuneta

BUMIGAY ang katawan ni Megastar  Sharon Cuneta dahil ratsada na naman siya sa trabaho. Nag-reflectionumpisa  na siyang mag-shoot sa Baguio  para sa kauna-unahan niyang pelikula directed by Erik Matti under Reality Entertainment.

Sakto naman na nakausap namin ang co-producer ni Direk Erik sa Reality Entertainment na  si Dondon Monteverde kamakailan. Kinumpirma niya ang tsika sa amin ni Mega after ng premiere night ng “Three Words to Forever” na may gagawin siyang movie under Reality Entertainment

When we asked Dondon kung sino ang leading man or  iba pang artistang kasama ni Mega sa horror, secret pa raw muna.

At least, napurnada man ang ‘Darna’ project nila na pagbibidahan ni Liza Soberano, Megastar naman  ang naging kapalit.

And speaking of Mega,  ang ganda ng ginawang pa-tribute sa kanya ng ABS-CBN during the “Family is Love: The 2018  Christmas Concert” na ginanap sa Araneta Coliseum last December 15 and 16. Nag-join forces ang mga sikat na Kapamilya loveteams as they performed the  hit songs of Mega.

Sina Carlo Aquino and Angelica Panganiban ang unang lumabas sa stage ng Araneta Coliseum at inawit ang “Kahit Kon­ting Pagtingin.”          Sumunod sina Charles Kieron, Vivoree Esclito, Donny Pangilinan and Kisses Delavin joined forced on “Mister DJ.”

Kinanta naman nina Edward Barber, Maymay Entrata, Loisa Andalio and Ronnie Alonte ang “PS I Love You.” Kumanta rin sina McCoy de Leon, Elisse Joson, Iñigo Pascual, Maris Racal, Joshua Garcia and Julia Barretto ang ‘Tawag ng Pagibig’ at ‘Cross My Heart.’

And finally, dumagundong ang loob ng Big Dome sa lakas  ng sigawan at hiyawan ng fans sa pagsasama-sama nina James Reid, Nadine Lustre, Enrique Gil, Liza Soberano, Kathryn Bernardo and Daniel Padilla. Kinanta nila ang ‘To Love Again,’ ‘Dear Heart’ at ‘Maging Sino Ka Man.’

For sure, medyo naalangan pero feeling happy sina Carlo at Angelica  na napasama pa sila sa  mga sikat na young generation of loveteams today sa isang prod number.

In fairness sa Cargel, ‘di naman masyadong  nalalayo ang hitsura nila sa mga batang kasama nila on stage. Although, may na­rinig din tayong comment sa audience na parang tita at tito na raw sina Angelica at Carlo nu’ng mga magkaka-labtim.

MMK NI CHARO SANTOS MAGBABAGONG BIHIS

SA Facebook Live ni Charo Santos ay natanong siya kung tuloy na ba ang pelikulang gagawin niya withmmk Daniel Padilla. Say ni Charo, ‘yun daw ang sabi sa kanya ni Malou Santos, Direk Joyce Bernal at ng producer na si Neil Arce.

Nag-viral kasi ang picture ni Daniel with Charo and Direk Joyce after ng meeting nila last December 12.

May isa pa’ng movie sina Charo with Bea Alonzo titled ‘Eerie.’ Innanouce rin ni Charo sa social media na ipapalabas ang movie  nila ni Bea on March 2019

Samantala, magbabagong-bihis ang longest-running drama anthology program ni Charo, ang “Maalala Mo Kaya.” Iha-handle na kasi sa unit under Direk Ruel S. Bayani ang programa ni Charo.

Patuloy pa rin ang magagandang episodes ang ihahatid ng MMK sa televiewers. Gaya ngayong Sabado, kuwento ng isang anak na sabik sa atensiyon at pagkalinga ng kanyang ina ang ilalahad sa “Maa­laala Mo Kaya” tampok sina Boots Anson Roa (Nita) at Sylvia Sanchez (Jona).

Nagkaroon ng Alzheimer’s disease ang ina ni Jona na si Nita. Two weeks  before Christmas ay nawala si Nita at dito mababago ang pagtingin ni Jona kay Nita.

Kasama rin sa episode sa MMK ngayong Sabado sina Noni Beuncamino, James Blanco, Alexa Ilacad, Marc Acueza, Tom Doromal, Axel Torres at Ced Torrecarrion sa direksyon ni Nuel Naval sa pa­nulat ni Benson Logronio.

Comments are closed.