MAY bagong ampon na naman na isang lalake at may foreign blood pa ang megastar na si Sharon Cuneta. Kung ung unang adopted child niya ay isang baby boy ngayon naman ay nasa legal age na at kilalang isang international blogger, si Basel Manadil, ang Syrian vlogger na nakatira na sa Pilipinas at tumutulong sa mga nangangailangang Pinoy.
Nakita lang ni Sharon ang blog ng naturang foreigner na namamahagi ng relief goods sa mga Pinoy, pang-ayuda para sa enhanced community quarantine laban sa corona virus disease. Humanga si Sharon sa kabutihan loob ni Basel kung kaya nag-comment siya sa post nito at tinawag na anak. At nang sumagot si Basel ay tinawag naman niyang inay si Sharon.
Doon na nga nagsimulang gawing adopted son na ni Sharon si Basel, na hanggang sa ngayon ay tuloy-tuloy pa rin ang sagutan nila sa socmed.
“You must visit and watch the vlogs of my new ‘adopted son,’ Basel of @thehungrysyrianwanderer. He is from Syria and has lived in Manila for around 7 years now. You will be touched by his heart to help his kababayan in his adopted country. Mapapahiya ka kung Pilipino ka at wala ka man lang natutulungan kahit isang tao. Siya pang foreigner ang tulong ng tulong,” say ni Ate Shawie sa isa niyang post.
KIM DOMINGO SA SOCIAL MEDIA NA LANG NAGPATIKIM
ISA sa episode noon ng longest running comedy gag show ng bansa, ang ‘Bubble Gang’ na mapapanood sa Kapuso Network, ay ang ‘Patikim ni Kim’ segment ni Kim Domingo. Patok na patok ito sa mga viewers lalong lalo na sa mga kalalakihan.
Sa naturang episode ay magluluto si Kim ng isang putahe at ipapatikim niya ito sa kanyang audience na pawang mga kalalakihan. At may kasama pang kapilyuhan na ginagawa si Kim na labis naman kinaaaliwan ng mga audience at viewers.
Dito nagsimulang naging interesado si Kim sa pagluluto. Ngayon na under enhanced community quarantine at tuloy pa rin si Kim sa ‘pagpapatikim’ ng kanyang mga niluluto sa pamamagitan ng kanyang vlog sa social media. Pawang putaheng gulay lang ang kanyang niluluto.
Last year ay naging isang vegan o no meat si Kim. Kung kaya bilang share niya sa mga mamamayan na ngayon ay under quarantine ay nagtuturo si Kim ng paraan ng pagluluto ng iba’t ibang putahe ng mga gulay.
Ani ng dating sexy actress, mas kailangan ngayon ng publiko ang mga masusustansyang pagkain para pampa-boost ng immune system ng tao at pampalusog ng katawan.
Comments are closed.