CAMP CRAME IDINEPENSA ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Archie Francisco Gamboa ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na barilin ang manggugulo gaya ng pagra-rally.
Sinabi ng general na kaya nasabi ng Pangulo ang utos ay dahil may provocation at upang pigilan ang paglabag sa batas.
Ayon kay Gamboa, isa lamang warning ang utos at hindi nangangahulugan na basta sila mamamaril at papatay mg mga raliyista.
Nais lang aniya ng Pangulo na bigyan diin ang kahalagahan ng pagsunod sa mga umiiral na batas ngayong nasa National Health Emergency ang bansa kaya may pahayag itong barilin ang lahat ng indibidwal na manggugulo.
Ang pagdepensa ni Gamboa ay inihayag sa isang panayam sa harap ng mga nangyayaring public assembly kahit may banta ng COVID 19 at diskriminasyon sa mga health care worker.
Aniya, kilala na ng lahat ng mga pulis ang personality ng Pangulo at naiintindihan na ng mga pulis ang nais puntuhin ng Presidente.
Kaya, hindi aniya mangyayari ang shoot to kill sa mga pasaway ngayong umiiral ang Enhanced Community Quaratine.
Sinabi pa ni Gamboa na mahigpit ang kanyang bilin sa kanyang mga tauhan na palaging pairalin ang maximum tolerance.
Panawagan naman ni Gamboa sa publiko na maging kalmado, at sumunod sa mga patakaran dahil ito ay para sa kapakanan ng lahat. REA SARMIENTO
Comments are closed.