SIMULA ngayong araw, Hulyo 1, ay may bawas sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG).
Sa abiso ng Petron Corporation, may rolbak na P0.40 per kilogram sa presyo ng household LPG. Epektibo ang price adjustment sa alas-12 ng umaga.
Katumbas ito ng P4.40 bawas sa presyo ng 11-kilogram LPG tank.
Magpapatupad naman ang Solane ng P0.36 per kilogram na tapyas sa LPG simula ngayong alas-6 ng umaga.
Sa datos ng Department of Energy, hanggang nitong Hunyo, ang retail prices ng isang 11-kilogram LPG cylinder ay naglalaro sa pagitan ng P879.20 at P1,107.09
Inanunsiyo rin ng Petron na bababa ang presyo ng kanilang AutoLPG ng P0.22 per liter simula sa kaparehong oras.