SINAGINGAN FESTIVAL (pasasalamat kay San Isidro Labrador)

Maraming festivals ang isinasagawa kung buwan ng Mayo – isabay mo pa ang pagdiriwang ng Mothers’ Day. Ito ang buwan ng pagbibigay-pugay sa napakaraming patron. Unang araw pa lamang ng Mayo, may selebrasyon na, kaya sa dami, hindi na natin alam kung alin ang ating uunahin.

Pero sa Mendez, Cavite may kakaibang paraan ang mga magsasaka upang ipakita ang kanilang pagpupuri at pasasalamat sa kanilang patron na si San Isidro Labrador. May makulay na kasaysayan ang icon ng San Isidro Labrador, na nasa kanila na mula pa noog 19th century.

Naka­sentro ang festival sa ani nilang sa­ging, mas pinakamarami sa Bara­ngay Palocpoc. Sa kasalukuyan, ito ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga magsasaka, kaya nga tinawag nila itong “Sinagingan Festival” na ginaganap tuwing May 15 taon-taon.

Noong May 15,2003 kasali na rin sa festival ang prusisyon ng mga magsasakang ipinagmamalaki ang kanilang aning saging, pati na rin ang street dancing parade.

Mula sa total land area na 263 hectares sa Barangay Palocpol sa Mendez, nine­ty-five percent ng land area ay nakatutok sa agricultural plants, kasama na ang langka, pinya at buko, gayundin ang mga butil ng kape.

Ipinakikita ng festival ang kakaibang paraan ng pagdiriwag ng pista na inaasahang mapapasama sa listahan ng pinakaaabangang festival sa Southern Tagalog, na nakaka-attract ng mga lokal at foreign tourist. KAYE MARTIN NEBRE