HANDA si CPP-NPA Founding Chairman Joma Sison na makipag one-on-one meeting kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kahit saang lugar maliban sa Filipinas.
Ito ay sa kabila ng pagtitiyak ng Malakanyang na hindi aarestuhin si Sison sa oras na umuwi ito sa Filipinas.
Ayon kay Sison, walang problema sa kaniya ang makipagpulong sa Pangulo nguni’t hindi niya pinagkakatiwalaan ang security forces sa bansa.
Kaugnay nito, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ginagarantiyahan ng Pangulo na hindi aarestuhin si Sison pagdating nito sa Filipinas hanggang sa makaalis ito sa bansa. DWIZ 882
Comments are closed.