SIXERS DISKARIL SA HEAT

HEAT vs SIXERS

TUMIRADA si Jimmy Butler ng 21 points at maagang kinuha ng Miami Heat ang kalamangan tungo sa 106-94 panalo laban sa bisitang Philadelphia 76ers noong Huwebes ng gabi.

Sa pagkatalo ay nabigo ang Philadelphia (47-23) na makopo ang top playoff seed sa Eastern Conference. Maaaring kunin ng Six-ers, na nalasap ang ikalawang sunod na pagkabigo, ang unang puwesto sa panalo kontra bisitang Orlando Magic sa Biyernes ng gabi.

Naitala ng Heat (39-31) ang ika-4 na sunod na panalo at namayani sa ika-7 na pagkakataon sa walong laro. Ang Miami, na tabla para sa ika-5 puwesto sa East sa New York Knicks (39-31), ay may nalalabing dalawang laro sa pagtatangkang malagpasan fourth-place Atlanta Hawks. Ang Heat at Knicks ay kapwa naghahabol sa Hawks ng 1/2 game.

Tatapusin ng Miami ang regular season sa mga laro sa Milwaukee sa Sabado at Detroit sa Linggo.

Nakakuha ang  Heat, bumuslo ng 50.6 percent mula sa floor, ng tig-18 points mula kina Bam Adebayo at Tyler Herro. Nagdag-dag si Adebayo ng 12  rebounds at 8 assists. Umiskor si Goran Dragic ng 15, at nag-ambag sina Kendrick Nunn ng 13 at Trevor Ariza ng 10.

Nanguna si Tobias Harris para sa 76ers na may 21 points habang nagtala sina Shake Milton ng 12 points at  Danny Green ng 11.

GRIZZLIES 116,

KINGS 110

Sinindihan ni Kyle Anderson ang 12-0 finish sa pares ng hoops, kabilang ang isang 3-pointer, at nakumpleto ni Jonas Valanci-unas ang isang three-point play upang bigyan ang Memphis ng kalamangan, may 1:23 ang nalalabi, nang pormal na sibakin ng Grizzlies ang bisitang Sacramento Kings sa playoff contention sa pamamagitan ng 116-110 panalo.

Si Dillon Brooks ng team-high 30 points, ang ika-7 30-point game sa kanyang career, at nagposte si Valanciunas ng double-double na may 24points at game-high 13 rebounds para sa Grizzlies (37-33), na ang posisyon sa NBA play-in tournament —  eighth o ninth — ay malalaman sa season finale sa Linggo sa Golden State.

Kinapos ang Kings, na nagkaroon ng pag-asa nang talunin ang San Antonio Spurs ng New York Knicks noong Huwebes, sa kabila ng career-best 31 points ni Justin James.

Walang koponan ang lumamang ng mahigit sa walong puntos at napanatili ng Grizzlies ang 91-86 bentahe matapos ang dunk ni Brandon Clarke, may 10:46sa orasan.

Inilapit nina James at Terence Davis ang Kings sa isang puntos bago isinalpak ni Davis ang magkasunod na 3-pointers at nag-dagdag si Chimezie Metu ng ikatlo upang kumpletuhin ang 13-point flurry na nagbigay ng 99-91 lead, may  8:10 ang nalalabi.

Sa iba pang laro, pinalakas ni Nikola Jokic ang kanyang kampanya sa Most Valuable Player race sa pagkamada ng 31 points at 14 rebounds, upang pangunahan ang  Denver Nuggets sa 114-103 panalo kontra Minnesota Timberwolves sa Minneapolis.

Samantala, naitala ni Zach LaVine ang walo sa kanyang 24 points sa fourth quarter nang gapiin ng Chicago Bulls ang bisitang Toronto Raptors, 114-102.

8 thoughts on “SIXERS DISKARIL SA HEAT”

  1. Appreciating the hard work you put into your site and in depth information you provide.
    It’s nice to come across a blog every once in a while that isn’t the same
    unwanted rehashed information. Great read!

    I’ve saved your site and I’m including your RSS feeds
    to my Google account.

Comments are closed.