NORTH COTABATO – NAPATAY ang pinaniniwalaang bomber na sub-lider ng Dawlah Islamiyah makaraang makipagsagupaan sa mga operatiba ng pulisya at militar sa Barangay Saliao, bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat, kamakalawa ng madaling araw.
Kinilala ang suspek na si Jazzer Nilong alias Khalid na may warrant of arrest sa kasong pagpatay na hindi nagpahuli ng buhay makaraang kumasa sa mga awtoridad.
Batay sa ulat , nakatanggap ng impormasyon ang pulisya sa presensiya ng suspek sa isang motel sa Purok Hiligaynon na pansamantalang nagpapahinga.
Kaagad na ikinasa ang dragnet operation ng pulisya at militar bitbit ang warrant of arrest subalit hindi sumuko ang suspek at nakipagbarilan ito tumagal ng ilang minuto na siyang ikinasawi nito.
Narekober sa encounter site ang isang cal. .45 pistol, mga bala, ilang sangkap ng pampasabog, rifle grenade, electric blasting cap, battery size D, dalawang improvised non-electric blasting cap, apat na fired cartridge case ng cal. 9mm pistol at dalawang heat-sealed plastic sachet na shabu.
Nabatid na ang suspek ay idinadawit sa pagpatay kay P/Cpt. Herman Gabat at pambobomba sa General Santos City. MHAR BASCO
Comments are closed.