SUNS PASOK NA SA PLAYOFFS

NAGBALIK si Devin Booker mula sa four-game COVID-protocol absence at gumawa ng halos  triple-double upang tulungan ang Phoenix Suns na kunin ang unang playoff spot sa NBA sa pamamagitan ng 111-90 panalo kontra Miami Heat Miyerkoles ng gabi.

Tumapos si Booker na may 23 points, 9 assists at 8 rebounds, at nakakuha rin ang Phoenix ng 21 points mula kay Mikal Bridges at 19 points at 10 rebounds kay Deandre Ayton. Nagdagdag si JaVale McGee ng  11 points at season-high 15 rebounds mula sa bench.

Ang laro ay labanan sa pagitan ng koponan na may  best record sa Eastern Conference (Miami) at ng squad na nangunguna sa Western Conference (Phoenix).

Ang Miami, nanalo ng 12 sa kanilang huling  15 laro, ay pinangunahan nina Duncan Robinson (22 points), Tyler Herro (17 points) at  Bam Adebayo (17 points). Nagdagdag si Kyle Lowry ng 5 points at game-high 10 assists.

ROCKETS 139,

LAKERS 130 (OT)

Umiskor si rookie Jalen Green ng13 sunod na puntos para sa Houston mula fourth quarter hanggang overtime, at ginapi ng Rockets ang bisitang Los Angeles.

Nagbuhos si Green ng season-high 32 points at nagkaroon siya ng sapat na suporta dahil pitong Rockets ang nagtala ng double figures. Tumipa sina fellow rookies Josh Christopher at Alperen Sengun ng tig- 21 points, at nagdagdag si Sengun ng 14 rebounds sa kanyang season-best point total. Kumabig din si Kenyon Martin Jr. (17 points, 11 rebounds)  ng double-double para sa Houston, na hindi nakasama ang dalawang starters at pumasok sa laro na may 2-17 skid.

Naiposte ni LeBron James ang kanyang ika-5 triple-double sa season na may 23 points, 14 rebounds at  12 assists para sa Los Angeles. Nagdagdag si Russell Westbrook  ng 30 points, 8 rebounds at 6 assists, subalit hinayaan ng Lakers ang Rockets na maka-shoot ng 51 percent mula sa floor, kabilang ang 17 of 40 (42.5 percent) mula sa 3-point range.

Sa iba pang laro, pinataob ng Raptors ang Spurs, 119-104; pinayuko ng Nuggets ang Kings, 106-100; ginapi ng Clippers ang Wizards, 115- 109;

kinatay ng Bucks ang Hawks 124-115; nagwagi ang Celtics kontra Hornets, 125- 101; dinurog ng Knicks ang Mavericks 107-77; sinuwag ng Bulls ang Pistons, 114-108; pinatahimik ng Timberwolves ang Thunder, 132- 102; dinispatsa ng  Magic ang  Pelicans, 108-102; at pina­lamig ng Jazz ang Trail Blazers, 123-85