SUNS PINASO ANG JAZZ

UMISKOR si Devin Booker ng 33 points at nagdagdag si Chris Paul ng 16 points at 16 assists habang humabol ang Phoenix Suns mula sa 17-point deficit sa fourth quarter upang gulantangin ang Utah Jazz, 111-105, nitong Biyernes sa Salt Lake City.

Ang panalo ay nadagdag sa best ever record ng Phoenix at iniangat ang NBA-leading Suns sa franchise-record 32nd win sa road.

Nanalasa sina Deandre Ayton (19 points, 10 rebounds) at Mikal Bridges (18 points) sa magkabilang dulo ng court sa final quarter nang ma-outscore ng Suns ang Jazz. 36-13.

Nanguna si Bojan Bogdanovic para sa Jazz na may 21 points at naitala ni Rudy Gobert ang kanyang 52nd double-double na may 16 points at 12 rebounds. May pagkakataon ang Utah na kunin ang No. 5 spot sa Western Conference playoffs — ang Suns ay selyado na ang top seed — ngunit ang Jazz ay tabla ngayon sa  Denver Nuggets.

Tatapusin ng Jazz ang kanilang regular season sa Linggo ng gabi sa Portland kasabay ng pag-host ng Denver sa LeBron James-less Los Angeles Lakers. Makukuha ng Utah ang fifth seed sa panalo, at mahuhulog sa No. 6 kung matatalo at magwawagi ang Denver.

Sa iba pang laro, tinambakan ng Bucks ang Pistons, 131-101; nilambat ng Nets ang Cavaliers, 118-107;  ginapi ng Knicks ang Wizards, 114-92; kinatay ng Heat ang Hawks, 113-109; namayani ang Hornets sa  Bulls, 133-117; pinabagsak ng Raptors ang Rockets, 117-115;  minasaker  ng Mavericks ang Trail Blazers, 128-78; at pinatahimik ng Lakers ang Thunder, 120- 101.