BATANGAS- INIHAYAG ng Philippine Institute of Volcanology Seismology (PHIVOLCS) na muling nakapagtala ng short-lived phreatic event sa Taal Main Crater.
Ayon sa Phivolcs, na-detect ang panibagong mahinang pagputok ng bulkan sa pamamagitan ng Main Crater Observation Station.
Ang naturang pagputok ay naganap dakong alas-8:54 ng umaga kahapon na tumagal ng halos tatlong minuto at nakalikha ng 300 meter na taas ng steam plume.
Matapos ang ilang minuto ay napadpad ang usok na kanluran, hilagang kanlurang direksyon.
Ang Taal Volcano ay nananatiling nasa alert Level 1 o indikasyon ng patuloy na mahinang abnormalidad. EVELYN GARCIA