TAAS-PRESYO BANTAYAN

Undersecretary Ruth Castelo

NANAWAGAN kahapon ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga lokal na pamahalaan na bantayan ang pagtaas ng presyo ng iba’t ibang produkto dahil sa water shortage na nararanasan sa Metro Manila at mga karatig lugar.

Ito ay matapos na tumaas ang presyo ng mga timba, purified water at mga bilihin maging sa mga ka-rinderya dahil sa kapos na suplay ng tubig.

Aminado si  DTI Usec. Ruth Castelo na wala silang hurisdiksiyon  sa mga nagbebenta ng water contain-ers at sa mga nagne-negosyo ng water refilling stations su­balit sa tulong ng mga local government ay maiiwasang mapagsamantalahan ang mga residente na apektado ng water shortage.

Aniya, ang tanging sakop ng DTI ay ang mga bottled mineral water na sa ngayon ay wala pa namang paggalaw sa presyo.

Babala ni Castelo, ang profiteering ay may karampatang parusa na pagkakakulong at multa na aabot sa P5,000 hanggang P2 million. VERLIN RUIZ, BENJARDIE REYES

 

Comments are closed.