(Target ng PEZA sa 2023) P300-BILLION INVESTMENT APPROVALS

PEZA-2

INAASAHAN ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang P300 billion na investment approvals sa 2023.

Sinabi ni PEZA Director-General Teresito Panga sa ANC na ”on track” sila para makamit ang kanilang investment target para sa 2023.

Aniya, sa ngayon, ang investment approvals ay nasa P97 billion na, 3.3 beses na mas mataas sa inaprubahan noong nakaraang taon.

“So, I think with 5 or 6 months to go, we are confident that we will be able to exceed our set targets for 2023,” aniya.

Sinabi pa niya na ang conservative target ay P160 billion, subalit sa mga kaganapan ay posibleng makamit nila ang kanilang maximum target.

Noong katapusan ng Hunyo, ang PEZA ay nakapag-apruba na ng P81 billion na investments.

“We’re confident that with the Philippines projecting a 6-7 percent GDP growth rate, which makes it one of the best-performing economies in the region, we remain bullish that we will continue to attract investments into the country as well as grow our exports,” sabi ni ­Panga.