TEXTERS KINORYENTE NG BOLTS

BOLTS VS TEXTERS

Mga laro bukas:

(Ynares Center-Antipolo)

4:30 p.m. – NLEX vs Meralco

7 p.m. – Ginebra vs Columbian

NAGBUHOS si Chris Newsome ng 20 points upang pangunahan ang balanseng atake ng Meralco sa 88-77 panalo laban sa Talk ‘N Text sa PBA Philippine Cup kagabi sa Cuneta Astrodome.

Sa panalo ay umangat ang Bolts sa 2-2 kartada at pinutol ang 2-game winning streak ng Texters, na bumagsak sa 2-3.

Na­ging dikdikan ang laban at kinuha ng Bolts ang ikalawang panalo sa second half.

“We struggled in the first half. We’re having difficulty connecting and only in the second half we’re able to find our rhythm behind well balanced at-tack. I instructed my players to play aggressive and deliver the needed points. It’s good, they responded well,” sabi ni coach Norman Black.

Na-outshoot ng Meralco ang TNT sa unang dalawang minuto ng third quarter, 68-58, sa free throws ni Amer Baser at pinalobo ito sa 71-58 sa bas-ket ni  Nico Salva.

Hindi pa nakuntento, muling rumatsada ang Bolts upang itarak ang 79-62 kalamangan at iposte ang lopsided win.

Panay ang experiment ni TNT coach Ferdinand ‘Bong’ Ravena para palamigin ang atake ng Bolts subalit hindi makahulma ng epektibong formula.

Nag-ambag sina Baser Amer ng 17, Jared Dillinger ng 16, at Ranidel de Ocampo at Cliff Hodge ng tig-11 points para sa Meralco na kumana ng siyam na tres, 15 of 22 charities, 60 rebounds at 16 assists.

Nanguna naman si Jayson Castro para sa TNT na  may 20 points. Dinala ng Asian Games veteran ang TNT subalit hindi nakakuha ng solidong su-porta sa kanyang mga kasamahan maliban kay Roger Pogoy na tumipa ng 15 points.  CLYDE MARIANO

Iskor:

Meralco (88) – Newsome 20, Amer 17, Dillinger 16, De Ocampo 11, Salva 11, Hodge 5, Canaleta 5, Caram 3, Pinto 0, Hugnatan 0, Tolomia 0, Jackson 0.

TNT (77) – Castro 20, Pogoy 15, Trollano 8, Taha 8, Reyes 7, Semerad 7, Heruela 6, Rosario 5, Williams 1, Carey 0, Miranda 0.

QS: 9-22, 30-39, 63-58, 88-77