THUNDER WINALIS ANG WARRIORS

ISINALPAK ni Chet Holmgren ang game-tying 3-pointer sa regulation at naitala ni Shai Gilgeous-Alexander ang 10 sa kanyang 40 points sa overtime at winalis ng Oklahoma City Thunder ang dalawang laro mula sa Golden State Warriors sa 130-123 panalo noong Sabado ng gabi sa San Francisco.

Tumapos si Holmgren na may season-best 36 points at nagdagdag si Jalen Williams ng 22 para sa Thunder, na sumandig sa 19 3-pointers at 59.4 percent shooting mula sa 3-point arc upang daigin ang Warriors, 128-109, noong Huwebes.

Sa pagkakataong ito, ang mga bisita ay gumawa lamang ng walong  3-pointers, sa halip na samantalahin ang taas ni Holmgren.

Tinapatan ni Chris Paul ang unang hoop ni Gilgeous-Alexander sa overtime sa pamamagitan ng isang 3-pointer upang bigyan ang Warriors ng final lead sa 120-119 bago ibinuslo ng Thunder star ang tatlong mid-range shots at isang layup.

Nagtala si Andrew Wiggins ng 5 of 8 sa 3-pointers at umiskor siya ng season-high 31 points para sa Golden State, na muling nakasama si Stephen Curry matapos ang two-game absence dahil sa sore knee.

Nagsalpak din si Curry ng limang  3-pointers at tumapos na may 25 points.

Nagawa ng Thunder na ihatid ang laro sa overtime nang mahuli ni Holmgren ang inbounds pass sa left corner, may 1.6 segundo ang nalalabi at isinalpak ang isang 3-pointer para sa 117-117 pagtatabla.

Bucks 132,

Mavericks 125

Tumirada si Giannis Antetokounmpo ng game-high 40 points sa 18-for-26 shooting mula sa field upang tulungan ang  Milwaukee Bucks sa 132-125 panalo laban sa bisitang Dallas Mavericks.

Nagdagdag si Damian Lillard ng  27 points para sa  Bucks, na nakopo ang ika-4 sunod na panalo. Kumabig si Pat Connaughton ng 16 para sa Milwaukee, kabilang ang isang 3-pointer, may 65 segundo ang nalalabi upang bigyan ang Bucks ng five-point lead.

Nanguna si Kyrie Irving para sa Mavericks na may 39 points, 33 sa second half. Tumabo si Luka Doncic ng 35 points para sa Dallas, na natalo ng dalawa sa kanilang huling tatlong laro, at nag-ambag si Tim Hardaway Jr. ng  17.

Na-outscore ng Bucks ang Mavericks, 43-27, sa final quarter at humabol sa hanggang 12 sa second half.

Naiposte ni Antetokounmpo ang 15 sa kanyang 40 points sa fourth quarter at nanguna sa rebound na may 15 rebounds. Nagdagdag din siya ng 7 assists.