DAVOS, SWITZERLAND – Nag-ambag si Trade and Industry Secretary Ramon Lopez sa tatlong sessions sa 50th World Economic Forum na idinaos noong Enero 21-24 dito.
Tinalakay ni Sec. Lopez ang epekto ng mga teknolohiya sa kalakalan, pagpapadali sa investments sa buong mundo, at ang hinaharap ng trade and global economic interdependence.
Sa ilang bilateral meetings, binigyang-diin din niya ang pagbibigay-pansin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa inclusive globalization, kung saan ang mas malalaking ekonomiya ay nagbibigay ng suporta at market access sa mas maliliit na ekonomiya upang matiyak na nakabubuti sa lahat ang kalakalan, lalo na ang developing countries.
Sina Lopez at Permanent Representative to the World Trade Organization (WTO) Amb. Manuel A.J. Teehankee ay nagsilbing official representa-tives ng Filipinas sa WEF. Sa nakalipas na 49 taon, ang WEF, bilang premier gathering para sa world business, political, academic at iba pang lider sa lipunan, ay nagsikap na mapagbuti ang kalagayan ng mundo sa pagbuo ng global, regional at industry agendas.
Ang World Trade Organization (WTO) events ay naging topline agenda din para sa Philippine delegation sa Davos, kung saan lumahok si Secretary Lopez sa apat na WTO-related ministerial meetings noong Enero 23-24.
Noong Enero 23, sa ministerial gathering sa Joint Initiative on Investment Facilitation for Development, na naglalayong bumuo ng bagong WTO rules upang itulak ang investment flows sa buong mundo, iginiit ni Lopez ang improved transparency at predictability sa investment rules, ang pagpapadali sa administrative procedures at ang pagpapalakas sa international cooperation. Sa nasabing pagtitipon, inanunsiyo ni Lopez na makikiisa ang Filipinas sa 98 iba pang WTO members sa negosasyon tungo sa mga bagong panuntunan sa investment sa WTO.
Kinatawan din ni Lopez si Agriculture Secretary William Dar sa Ministerial Meeting of the Cairns Group, isang grupo ng non-subsidizing agricultural exporters na naglalayong bawasan ang distortions sa merkado.
Sa Ministerial Meeting on Electronic Commerce noong Enero 24, isinulong ni Lopez ang nagpapatuloy na kampanya ng mahigit sa 80 WTO Members sa pagbuo ng future rules sa e-commerce sa WTO.
“These rules are founded on the following broad themes: facilitating electronic transmissions, non-discrimination and liability, consumer protection, and transparency and cooperation, among others.”
Binigyang-diin ni Lopez ang enabling platform na inilatag ng e-commerce, lalo na sa micro, small and medium enterprises o MSMEs at sa mga kaugnay na inisyatibo sa investments at trade facilitation.
Sa kaparehong araw, nag-organisa ang Switzerland ng isang ministerial gathering bilang paghahanda sa 12th WTO Ministerial Conference. Sa naturang pagtitipon, ibinahagi ni Lopez ang kanyang pananaw sa nagpapatuloy na reform proposals sa WTO. Sakop nito ang transparency and notification, ang pagganap ng WTO bodies, at ang pagtrato sa developing countries.
Comments are closed.