(Tiniyak ng OWWA) CONTINGENCY PLAN PARA SA OFWS

Hans Leo Cacdac

TINIYAK ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo J. Cacdac na may contingency plan ang gobyerno para sa 30,000 overseas Filipino workers (OFWs) sa Israel sa harap ng patuloy na bombahan sa pagitan ng naturang bansa at ng Palestine.

Sinabi  ni Cacdac na patuloy ang koordinasyon sa pagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA), sa pamamagitan ng Philippine Embassy sa Israel, at ng Department of Labor and Employment (DOLE), sa pamamagitan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO), para matiyak ang tulong sa mga apektadong Pinoy sa nasabing bansa.

“Sa tala natin, aabot sa 30,000 Pinoy ang nasa Israel at 97 percent hanggang 98 percent ang mga caregiver. Ipinag-utos na rin ni (Labor) Secretary (Silvestre) Bello na manmanan ang sitwasyon. Kahapon, nakausap namin ‘yung welfare officer natin doon and ‘yun we were checking upon their situation. Sa awa ng Diyos, wala namang nasaktan o nasawi na Filipino,” sabi ni Cacdac.

Idinagdag ni Cacdac na sa ngayon ay hindi pa opsiyon ang repatriation ng mga Pinoy dahil sarado pa ang international airport ng Israel.

“Sa ngayon,  in country evacuation muna, at least sa tatlong apektadong areas, so mayroon nang inihanay na mga contingency measures such as evacuation to safer bomb shelters, kasi ano ‘yan, ang Israel handang-handa sila, alam naman na araming mga bomb shelters diyan,” ayon pa kay Cacdac. LIZA SORIANO

5 thoughts on “(Tiniyak ng OWWA) CONTINGENCY PLAN PARA SA OFWS”

  1. 454682 219622Following study quite a few the websites on your personal internet site now, i truly like your indicates of blogging. I bookmarked it to my bookmark site list and will also be checking back soon. Pls consider my web-site likewise and tell me what you consider. 487839

Comments are closed.