TO ALL THE GIRLS, BOYS I LOVED BEFORE, GOODBYE: DEREK & ELLEN

MASAYA ang pag-iisang dibdib nina Derek Ramsay at Ellen Adarna. Kahit malayo at napakamahal ng Villas at Venue ng kasalan sa Rancho Bernardo, Bagac Bataan nagpalitan sila ng “I Do.” Sa mga bashers na nagsasabing hindi seseryosohin ni Derek si Ellen, tameme kayo. Imagine, Enero lang niya nagkakilala, wala nang ligawan — nagkamabutihan ang loob, nauwi agad sa marriage proposal si Derek nuong Marso.

Wala sa tipo ni Derek ang magpakasal. Lahat ng relasyon niya, short lived lang kasama na sina Andrea Torres, Joan Villarba at pinakamatagal sila ni Angelica Panganiban, kahit sa ina ni Austin na si Mary Christine Joy, hindi rin nagtagal ang relasyon nila.

Si Ellen man ay maraming nakarelasyon, kung saan nagkaanak pa nga siya sa huling karelasyong si John lloyd Cruz – si Elias Modesto nga. Pareho silang makulay ang pinagdaanan at may tig-isang anak. Kung yaman lang ang usapan, pareho silang nakaririwasa sa buhay. Kahit di sila mag-artista, mabubuhay sila for the next twenty years ng maayos.

Morning wedding sina Ellen at Derek. Sabing matatanda, mas positibong ang ikinakasal sa umaga na  sumusu­ngaw ang araw. Maganda ang pasok ng biyaya at wagas ang pagsasama. Tiyak na pagtatawanan lang ito nina Ellen at Derek, pero who knows?

PATAHIMIK NINYO SI MAHAL

NAGREREKLAMO ang mga kapatid ni Mahal sa usaping pera. Sabi ng kapatid niyang pulis, ba­kit maliit na halaga lang ang naiwan sa bank account ng kanyang kapatid? Hindi naman masamang magtanong kung magkano ba ang kinikita nila ni Migz Molino sa Youtube.

Tahimik si Jethro Carrrey, manager ni Mahal, sa isyung ito. Kung talagang gusto niyang matapos ang usaping ito, dapat mag-usap sila ng masinsinan. Hangga ngayon ay napapanood pa rin sa Youtube channel ng vloggers na ang content ay si Mahal.

Aminado si Mgyz na malaking factor si Mahal kaya pumatok ang YT channel nila. E, hanggang kailan nila “gagamitin” si Mahal? Sa totoo lang, sa pagiging indie sexy actor ay di siya nag-click dati. Napansin lang siya dahil kay Mahal. Kung may namuong pagmamahal sa kanila, yun ang pinagtataasan ng kilay ng mga bashers. Isa lang ang sinasabi nila, “patahimikin na ninyo si Mahal.”

DENNIS YAYO NI JENNYLYN

NAGWAKAS na ang Legal Wives. Time out muna si Dennis Trillo sa pagharap sa camera. Habang walang showbiz work siya, inaalagaan niya si Jen. Kaya, lagi lang sila sa bahay. Inaasam-asam nila na babae ang kanilang magi­ging anak.

Siyempre, may wish si Dennis sana magkasama sila ni John Lloyd Cruz sa isang TV project, okey lang siya maging kontrabida. Next year after magsilang si Jen, handa na siyang humarap sa kamera.!