TOKYO OLYMPICS: SIMPLENG OPENING AT CLOSING CEREMONIES IKINAKASA

MAGIGING simple lamang ang opening at closing ceremonies ng Tokyo Olympics sa susunod na taon dahil sa patuloy na banta ng COVID-19.

Ayon sa Organizing Committee, ang seremonya ay ididisenyo “to reflect the overall simplification of the Games with Covid-19 counter-measures in place.”

Hindi binanggit ng Organizing Committee kung paano maiiba o babaguhin ang format ng opening at closing ceremonies.

“It is appropriate to make ceremonial events and programs simpler and have them in some way reflect and respect the world’s experience of the Covid-19 pandemic,” sabi ng Tokyo 2020 Organizing Committee sa isang statement.

Sa isang media conference, inanunsiyo ng Tokyo Organizing Committee na bumubuo ito ng isang bagong team na tutulong sa paghahanda para sa events.

“The new team hopes that the iconic opening and closing of the Olympic Games includes symbols of the unity and symbiosis of humankind in its overcoming of the Covid-19 pandemic,” ayon pa sa statement.

Nauna rito ay sinabi ng Organizing Committee na ang budget para sa quadrennial games ay aabot sa kabuuang $15.4 billion, kabilang ang gastos sa  postponement at ang karagdagang COVID-19 countermeasures na isinasagawa.

Mas mataas ito sa $12.6 billion forecast bago ang Olympics.

Comments are closed.