NAKATAKDANG bawiin ng South Korean government ang tone-toneladang basura na itinambak nito sa Misamis Oriental.
Sinabi ni Kim Sunyoung, Minister Counselor ng Korean Embassy na natuklasan nila na misdeclared ang laman ng mga container na unang idineklarang mga recycled plastic material ngunit nang inspeksiyunin mga pira-pirasong kahoy, metal at basura na hindi dumaan sa tamang recycling process ang laman nito.
Iniimbestigahan na rin ng Bureau of Customs sa Seoul ang kompanyang nagpasok ng kargamento.
Nauna rito ay pinababalik ng isang kongresista ang 51 container van na naglalaman ng mga basura ng South Korea.
Puno ng solid waste o basura ang 51 container van na ipinasok sa bansa at idinaan sa Port of Tagoloan, Misamis Oriental kung saan matatagpuan ang Mindanao International Container Terminal.
Ang naturang pantalan ay nagseserbisyo sa Iligan City, Cagayan de Oro City, at iba pang lugar sa Mindanao. NENET VILLAFANIA
Comments are closed.