TRUCK truck na basura ang iniwan ng nasa milyong Pinoy na bumisita sa North Cemetery para sa Undas.
Kahapon ng umaga ay nasa 12 truck na ng basura ang nakolekta sa loob ng sementeryo.
Karamihan sa mga ito ay mga pinagkainang styro, plastic, mga nalantang bulaklak habang ang iba ay mga pinaglinisan ng mga puntod.
Sa kabila nito, ipinabatid ng Department of Public Services-District 3 na mas kaunti ang nakolektang basura ngayong Undas kumpara noong nakaraang taon.
Matatandaang aabot sa 20 truck ng basura ang nakolekta noong nakaraang taon sa loob Manila North Cemetery.
Comments are closed.