PINAG-AARALAN ng gobyerno ang pag-aalis sa mga travel restrictions na ipinapataw sa mga bisita mula sa Special Administrative Region ng China bilang pag-iingat sa gitna ng banta ng coronavirus disease o COVID-19.
Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa Newsroom Weekend ng CNN Philippines na ang travel restrictions ay base sa kung papaano iniimplementa ng isang bansa o teritoryo ang protocols sa pagtugon sa bagong viral infection na nagmula sa Wuhan, China.
Ang pahayag na ito ng kalihim ay kasunod ng napagkasunduan ng mga miyembro ng infectious diseases task force na ibas-ura ang kanilang utos na pagbawalan ang pagpasok ng mga turista mula sa Taiwan, gayong pinaiiral sa nasabing lugar ang “very strict and excellent protocols in handling travelers.”
Nagsimulang ipatupad ang travel ban sa mga turista mula sa China, kabilang ang special administrative regions na Hong Kong at Macau, dalawang linggo na ang nakalilipas upang mapigilan ang pagkalat ng novel coronavirus, na opisyal nang tinawag na COVID-19.
“Before, there was a question [on whether] people from China could go to Taiwan and come to the Philippines without detec-tion. Now before they come here, we already know if they have been to China or not,” pahayag pa ni Romulo-Puyat.
Ayon pa sa kalihim, ang industriya ng turismo sa Filipinas ay maaaring malugi ng P42.9 bilyong kita dahil sa mga ipina-tutupad ng travel ban papasok at papalabas ng bansa mula sa China, Hong Kong, Macau at Taiwan.
Upang hindi maapektuhan ang industriya, pinagsusumikapan ng mga opisyal ng DOT na mapalakas ang domestic tourism. Ilang airlines, kabilang ang Philippine Airlines, Cebu Pacific at AirAsia at mga hotel ay pumayag na maglabas ng mga promo-tion upang makatulong sa pagbaba ng kanilang kita.
Iniulat na ang Mainland China ay mayroong 66,000 confirmed COVID-19 cases, habang 1,500 ang nasawi.
Sa Hong Kong ay may 56 kumpirmadong kaso ng COVID-19 at isa ang nasawi habang 18 kaso ang naitala sa Taiwan at 10 kaso sa Macau. CNN Philippines
Comments are closed.