TINAPOS ng De La Salle University ang Cinderella run ng Ateneo de Manila sa UAAP Season 84 women’s volleyball nitong Huwebes upang maisaayos ang titular showdown sa early finalist National University.
Hinubaran ng korona ng Lady Spikers ang defending champions Lady Eagles, 25-19, 25-20, 25-23, sa second round ng step-ladder semifinals sa Mall of Asia Arena.
Tangan ang twice-to-beat advantage, kinailangan ng second-seeded La Salle na talunin ang Ateneo ng isang beses lamang sa semis upang umabante sa susunod na round.
Magaan na nagwagi ang Lady Spikers sa unang dalawang sets, at dinomina ang Lady Eagles sa blocks at floor defense.