UNDAS GAWING INSPIRASYON PARA PALAKASIN ANG PANANAMPALATAYA–DUTERTE

Undas

NAKIKIISA si Pangulong Rodrigo Duterte sa sambayanan sa paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Umaasa ang Pangulong Duterte na ang panahong ito ay magsisilbing inspirasyon sa bawat Filipino na lalo pang palakasin ang kanilang pananam­palataya at pag­yamanin ang tradisyong ito tungo sa pagkakaisa bilang isang bansa.

“Let us dedicate our time, skills and knowledge so we may make a positive and meaningful impact on our society while we pursue meaningful goals for our people and country,” sabi pa sa mensahe ng Pangulo.

Hiniling din ng Pa­ngulo sa bawat Filipino na kilalanin at ipagdasal ang kaluluwa ng mga yumao.

“In these days of remembrance, we honor our dearly departed loved ones by praying for the eternal repose of their souls and cherishing fond memories of the time they spent with us,” sabi pa ng Pangulo.

Binigyang-diin ng Pa­ngulo ang kahalagahan ng pagkilala sa ipinakitang buhay ng mga santo na patuloy na gumagabay sa ating araw-araw na pamumuhay.

Noong Huwebes ng gabi ay dinalaw ng Pangulo ang puntod ng yumaong mga magulang sa Roman Catholic Cemetery sa Davao City bago lumipad kagabi patungong Bangkok, Thailand para dumalo da 35th ASEAN Summit and Related Summits. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.