QUEZON CITY – PINANGANGAMBAHAN na lumakas pa ang Bagyong Ursula at inaasahan na ngayong araw ay magiging severe Tropical Storm ito.
As of 11AM kahapon, bahagyang bumilis ang bagyo habang tinutumbok ang Eastern Visayas.
Huling namataan ang bagyong Ursula sa layong 790 kilometro silangan hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur.
Taglay pa rin nito ang pinakalamalakas na hanging umaabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 80 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa bilis na 30 kilometro kada oras sa direksiyong kanluran hilagang-kanluran.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administation (Pagasa), posibleng mas mag-landfall ang bagyo sa bahagi ng eastern Visayas.
Sa kasalukuyan, itinaas na ng Pagasa ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) Number 1 sa Sorsogon; Masbate, kabilang ang Ticao Island; eastern Samar; northern Samar; Samar; Biliran; Leyte; southern Leyte; northern Cebu; central Cebu; northeastern Bohol.
Gayundin sa Dinagat Islands at Surigao del Norte kabilang ang Siargao Islands.
Pinag-iingat naman ng Pagasa ang mga residente sa Dinagat Islands, Siargao at Bucas grande Islands, eastern Visayas, Sorsogon, Masbate, Romblon, Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, Guimaras at northern Cebu, at Negros Occidental dahil sa inaasahang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.