HINDI nag-atubili ang mataas na opisyal at mga tauhan ng Valenzuela-Bureau of Internal Revenue o Revenue District Office-24 na iabot ang kanilang palad sa mga biktima ng pagputok ng Taal Volcano.
Kamakailan ay pinangunahan ni Revenue District Officer Rufo Ranario ang distribution ng relief goods sa San Jose, Batangas.
Sa panayam ng PILIPINO Mirror kay Ranario, inisyatibo nila ang pagbibigay ng tulong sa Taal victims at walang nag-utos sa kaniya.
Aniya, ang lahat ay may obligasyon sa kapwa at ito ay pagmamahal, malasakit at pagbibigay ng tulong.
Kabilang sa naipamahagi ng RDO-24 ay canned goods, blanket, tubig at mga pangunahing pangangailangan ng mga evacuee.
Dagdag pa ni Ranario na mas makabubuting magbigay ng tulong sa nangangailangan kung may kakayahan at hindi aniya ito nangangailangan ng kapalit.
“Obligasyon natin ang tumulong sa kapwa,” sabi pa ni Ranario. EUNICE C.
Comments are closed.