VILMA SANTOS EXCITED SA FIRST APO, “MOMSKIE LANG AKO, HINDI LOLA”

Inip na inip na ang Star for All Seasons at Lipa Congresswoman Vilma Santos-Recto sa pagdating ng kanyang unang apo, sa panganay na anak na si Luis Manzano at manugang na si Jessy Mendiola pero ayaw raw niya itong isipin dahil baka ma-pressure ang mag-asawa.

Excited raw silang mag-alaga ng baby kung papaya ang dalawa, kahit pa sobrang busy ng kanyang schedule. Gagawa at gagawa raw siya ng oras para maalagaan ang kanyang magiging apo.

Aniya, “I am a spoiler. I will definitely be a nice lola, a makulit lola. As of now I’m makulit, how much more kapag may apo na ako? Baka mas makulit pa. Papatawag akong Momskie. Iyan ang tawag sa akin ng mga pamangkin ko, parang Lola din.”

Kaya lang nagwo-worry raw si Luis. “Sabi nga sa akin ni Lucky, ‘Mom, baka di mo na isauli sa amin yung bata kapag natuwa ka. Di puwede, Mom.’

Magkapitbahay lang ang mag-ina sa ngayon, at sakaling manganak na si Jessy, pwedeng pwede talagang hiramin niya ang bata kahit araw-araw.

Puring puri naman ni Ate Vi ang kanyang manugang. Sa wakas raw ay nagkaanak din siya ng babae kaya mahal na mahal din niya ang asawa ni Luis.

“I like her, I love her. She’s so amiable. When they’re here, nakikita ko ang pagmamahal at suporta nila sa isa’t isa which is important. Nakikita ko rin ang respect sa relationship. Pag may nakita akong pangangailangan ni Lucky sa work, nandiyan si Jess to support, to guide. Minsan may mga suggestions si Jess and vice-versa, which I think sa couple that’s healthy. Sana magtuluy-tuloy. I’m praying for them na magkaroon sila ng magandang family life.” – KAYE NEBRE MARTIN