NAGKAROON pala ng panic attack si Batangas 6th District Representative Vilma Santos nitong nagdaang linggo. Ani Ate Vi, matindi ang naging epekto ng pandemya sa kanya. Nagkaroon umano siya ng panic attack at lungkot dahil sa mga hindi magagandang pangyayaring dulot ng COVID-19. Paggising pa lamang daw niya sa umaga, negatibo na agad ang outlook niya sa buhay.
“Really bad, naging malungkot ako.”
Katatapos lang ng 68th birthday ng Star For All Seasons noong November 3, at ibinahagi ng multi-awarded actress kung paano niya matagumpay na napaglabanan ang naranasang panic attacks. Malaking bagay raw ang pagdalaw ng anak niyang si Lucky Manzano dahil laging positive ang outlook nito sa buhay. Nakabawas din umano sa anxiety niya ang manigang na si Jessy Mendiola dahil masaya itong kausap. Suportado rin umano siya ng anak na bunsong si Ryan Recto at asawang si Ralph kaya nalampasan niya ang lahat.
Of course, hindi raw niya kinalimutang magdasal, dahil sa panahong wala na siyang matakbuhan, sa Diyos lang siya talaga tatakbo para tuluyan niyang malampasan ang epekto ng pandemya sa kanyang mental health.
Sa ngayon, dahil work-from-home ang mga mambabatas, naaliw umano siya sa pagbo-vlog sa YouTube matapos siyang turuan nina Luis at Jessy. Nakakatanggal daw ito ng stress.
Sa ngayon, tinatarget si Ate Vi ang maging director sa pelikula matapos ang dalawang dekada nilang pamumulitika. Mamamahinga raw muna siya sa public service.
Gusto raw naman niyang mag-direct ng movie gaya ng mga movie ni Direk Marilou Diaz-Abaya o ni Direk Laurice Guillen. — KNMARTIN