WALANG CREDIT CARD FEE HIKE

CREDIT CARD FRAUD

PINANATILI ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang monthly ceiling ng fees na ipinapataw sa unpaid credit card outstanding balance sa 3 percent.

Nanatili naman sa maximum rate na 1 percent ang umiiral na ceiling sa month add-on rate na maaaring singilin ng issuers sa installment loans.

Ayon sa BSP, ang maximum processing fee sa availment ng credit card cash advances ay nananatili rin sa P200 per transaction.

“The BSP’s decision to maintain the current ceilings on credit card transactions strikes a balance between providing consumers with access to credit card financing at steady rates and ensuring long-term viability of banks [and] credit card issuers,” sabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli Remolona.

Samantala, sinabi ng central bank na lumago ang credit card receivables ng 29 percent hanggang May 2023. Mas mataas ito ng 17.1 percent kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ito’y sa likod ng mataas na demand para sa credit cards, kung saan ang billings ay lumago ng 34.6 percent year on year, laban sa 28.5 porsiyentong paglago noong nakaraang taon.

Naitala naman ang non-performing credit card receivables sa P23.4 billion, mas mababa kumpara sa P29.3 billion sa kaparehong panahon noong 2022.

Ang ratio ng non-performing credit card receivables sa credit card receivables ay bumaba rin ng 3.9 percent hanggang Mayo, mula sa 6.3 percent noong May 2022.